Chapter 25 ♬ Mr. Sungit

62.5K 1K 71
  • Dedicated kay To All my Fans and Readers <3
                                    

CHAPTER 25 - MR. SUNGIT

SERENE


Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos ang aksidente sa party. Mabuti na lang at konti lang ang nasaktan at nasugatan. Subalit kahit ganu'n na katagal ang nakalipas, hindi pa rin ko pa rin makalimutan ang mga nakita at sa naiisip kong maaaring pagkatao ni Jace.

Hindi ba talaga ako ang pakay ng mga lalaking 'yun noong araw na 'yun? Baka naman nagkamali lang sila?

Ang dami kong katanungan sa utak na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan. Katulad na lang ng sino nga ba talaga ang taong nagligtas sa akin noong nakatunggali ko ang kambal?

Bakit parang kinalimutan na yata ako ng mga kaibigan ko sa Canada? Matagal na kasi noong huli nila akong tinawagan. Kinalimutan na kaya nila ako? Nakakalungkot naman.

Sino ang nagpadala sa akin ng box bago ako pumunta ng party? Pagkadating ko sa bahay noong araw na iyon ay naabutan ko ito sa higaan kung saan ko ito ibinaba. Noong binuksan kung anong laman ay nagulat ako sa nakita. Isang red tulips with a note na nakalagay ang pangalan ko. Kanino naman kaya iyon galing? Stalker? Manliligaw? At syempre 'yung tungkol kay Jace.

Nagpakawala ako ng isang napakalalim na hininga. Jusko. Ano bang nangyayari sa buhay ko?

"Hoy! Hello? Serene nakikinig ka ba?"

Naputol ang lalim ng iniisip ko ng marinig ang boses mula sa tabi ko.

"Ah?" Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses. Nagulat ako ng pandilatan ako ng mata ni Kate.

"Grabe siya o! Tama na nga ang pagdaday-dream mo riyan babae at iabot mo na sa akin 'yung fertilizer sa tabi mo."

Oh right. Nandito kami ngayon sa garden ng section namin at nagtatanim ng halaman. Ano pa nga ba? Back to normal na naman ulit ang mode namin after ng Battle of the Bands. Hay. Ang bilis lang talaga ng panahon.

"Oo na po mahal na prinsesa." Sabi ko kay Kate sabay kuha at abot sa kanya ng pinapakuhang lupa. And by the 'back to normal' na sinabi ko as in back to normal talaga ang lahat. Nagtatanim para sa pagandahan ng garden ng bawat section dito sa school, laging late sa tuwing pumapasok sa umaga, pinagdidiskitahan ng mga babaeng walang magawa sa mundo kundi pahirapan ako lalo na ang grupo ni Clarisse, laging napagsesermonan ng aming one and only class adviser Ms. Christina at maagang napapauwi sa bahay dahil sa ngayon wala pang band practice.

Nabalik sa uber-uber normal ang buhay ko

Which is totally boring.

"Ano kaya ang ipapatugtog nila ngayon?" Masayang tanong sa akin ni Kate habang kasalukuyang naghuhukay ng lupa para sa itatanim na halaman.

"Hmm, Eraserheads siguro?" kibat-balikat kong komento.

Nitong mga nakaraang araw every off classes, lunch, merienda o uwian nagpapatugtog ang bagong radio club sa school. Ewan ko kung anong trip nila at ginagawa nila 'yon gayunpaman, okay na rin ang naisip nila para may music na maririnig ang bawat estudyante kapag walang magawa. Lalo na kapag talagang nakakabagot na, napakalaking tulong talaga.

Life without music is so boring you know.

"Sana Silent Sanctuary na lang."

"Basta ako kahit ano, basta magpatugtog sila 'yun lang ang hinihiling ko."

Pinatalsikan ko siya ng lupa sa paa.

"Serene!" Lumayo siya sa akin. Pasensya na talaga, nakahithit ako eh. "Ayan ka na naman eh! Nagsisimula ka na naman!"

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon