Kabanata 42

3.1K 156 15
                                    

Katulad ng naging usapan namin ni Andrei, tinapos ko muna ang first year ko rito. Siya naman daw ang bahalang mag-asikaso ng pag-transfer ko sa university kung saan siya nag-aaral para wala na raw akong magiging problema pag-uwi ko.

Kailangan ko rin naman talagang umuwi dahil may sakit si Tita Bealyn at nasa hospital siya ngayon.

Simula noong nalaman ko ang ginawa ni Mommy at ang totoo, gusto ko nang talikuran ang lahat at umuwi na kay Daryl. Gusto ko nang umuwi sa kaniya.

I want to apologize to him. I want to say sorry for not trusting him. For not letting him explain. . .  For not believing him.

Pero kinakabahan ako. Kasi. . . paano kung masaya na siya ngayon? Paano kung hindi niya na ako kailangan? Paano kung hindi naman na pala niya ako mahal?

Baka may iba na siya. Baka may bago na. Isang taon na rin naman simula noong iniwan ko siya.

Ako pa rin kaya?

"You're going home?" Alexis asked with his raspy voice. He just woke up. Gulo-gulo pa ang buhok niya.

"Yep! So, how did it go?" I asked while zipping my suitcase.

Bigla siyang napangiti. Lumapit siya sa kama ko at umupo roon.

"I cleared things out. Akala niya ay girlfriend kita." Napakamot siya sa batok.

"E' bakit abot-langit 'yang ngiti mo?" kunot-noong tanong ko at ibinaba sa kama ang suitcase. Tinulungan niya ako agad.

"I told her I love her," he whispered.

Napailing ako habang nakangiti dahil mukhang kinikilig pa rin siya sa nangyari.

"Teka! Bakit ka uuwi?" gulat niyang tanong na parang ngayon lang nag-sink in sa kaniya iyon.

"May kailangan akong ayusin," simple kong sagot.

Tumingin ako sa orasan ng kwarto ko. Hapon pa naman ang flight ko kaya puwede pa kaming mag-usap ni Alexis.

Naghanda siya ng breakfast para sa amin. Napailing ako nang makitang may nag-message sa kaniya at agad niya namang tinakbo ang cellphone para mabasa ito. Nakangiti pa!

Habang kumakain kami ay sinasabi ko rin sa kaniya kung anong narinig ko kay Andrei noong pumunta siya rito at kung bakit ako uuwi. Nagulat ako nang makitang wala siyang naging ibang reaksyon.

"Alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kinagat niya ang ibabang labi at tumango.

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. "Kailan. . . Kailan pa?"

"M-Medyo matagal na rin," kinakabahan niyang sagot.

"Bakit hindi mo sinabi?" Nagtitimpi ngunit may bahid pa rin ng inis ang boses ko.

Napakamot siya sa batok. "Gusto ko naman talagang sabihin sa 'yo agad noong nalaman ko pero. . . si Jack na rin kasi ang nagsabi na huwag muna."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Daryl na ipasabi agad sa akin. Edi sana matagal ko nang nalaman! Sana hindi umabot ng ganito katagal!

"May pasok na kasi tayo no'n, Jade. Kilala ka ni Jack, kapag nalaman mo. . . magpupumilit kang umuwi."

Masama ang tingin ko kay Alexis hanggang sa matapos akong kumain. Ngumuso ako nang maisip na baka matagal na ulit bago kami magkita. Mukha kasing wala siyang balak na umuwi dahil syempre, nandito ang babaeng mahal niya.

"Bakit ka nakanguso? Mami-miss mo ako, 'no?" asar niya pero imbis na matawa ay malungkot ko siyang tiningnan.

Natigilan siya at bumuntonghininga bago lumapit sa akin at yakapin ako habang medyo natatawa pa.

The Only GirlWhere stories live. Discover now