Kabanata 19

3.7K 182 1
                                    

Late na akong nagising kaya naman ngayon ay nagmamadali ako. Late na kasi ako sa school! Siguradong nagsisimula na silang mag-discuss ngayon!

Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para mag-almusal. Bwisit na bwisit ako kagabi dahil sinumbong ako nung matandang hukluban kay Daddy! Sinabi na puro lalaki ang kasama ko at may ginawa daw kami!

Jusko po! Galit na galit ang daddy ko! Buti na lang talaga kinausap siya ni Jake dahil kung hindi? Malamang na nalagot na talaga ako!

"Late ka na, ah," sabi ng matandang hukluban na halata namang nang-aasar lang dahil alam niyang napagalitan ako kagabi!

"Pangit mo," inis na sabi ko.

Pero totoo naman ang sinabi ko. Ang pangit-pangit niya! Maitim siya at matangos nga ang ilong pero may malaking nunal naman sa may bandang gilid nito. Ang taba-taba pa!

Binilisan ko na lang ang pagkain ko bago pa ako mawalan ng gana dahil sa mukha niya.

Umalis ako nang walang paalam. Dinala ko ang kotse ko dahil wala naman akong sasabayan.

Nagulat ako nang makarating ako sa school dahil hinihintay ako ng mga kaklase ko!

"Hey," tawag sa akin ni Daryl.

"Late ka, ah," sabi naman ni Hendrix.

"Late na ako nakatulog kagabi tapos nasermonan pa ni daddy," sabi ko at nagsimula nang maglakad.

Bwisit talaga 'yong matandang yon! Bakit ba umuwi 'yong katulong na 'yon? Pasalamat nga siya at nakapunta siya ng New Zealand nang dahil sa pamilya namin! Sana hindi na siya umuwi!

"Bakit niyo nga pala ako hinintay? Late na, ah," wika ko.

"Para hindi lang ikaw ang mapagalitan," kibit-balikat na sagot sa akin ni Austin. Kumakain siya ng donuts.

Pagdating namin sa room ay nandoon na ang second subject teacher namin. Geez! Lagot. Strict pa naman.

"Late," she said, strictly.

"Sorry po," sabay-sabay naman naming sabi.

Bumuntonghininga ito. "This is the first time, pagbibigyan ko kayo." Umaliwalas naman agad ang mga mukha namin.

Hindi na ako kinabahan dahil hindi naman pala ako magkakaroon ng record. Kapag late kasi ay automatic na ililista! At kapag nangyari 'yon, lagot ako kay kuya!

Tahimik na pumunta ako sa upuan ko. Napatingin ako sa mga lalaking umaway sa akin kahapon. Kung tingnan nila ako ay halatang may ginawa silang kalokohan! Kusang sinuri ng mga mata ko ang upuan at meron nga silang ginawa! Sira ang paa ng upuan ko!

"Fernandez, bakit hindi ka pa umuupo?" masungit na tanong ni Ma'am Cornelia sa akin.

"Sinira po kasi 'yung upuan ko," kamot-batok na sabi ko bago sinipa nang kaunti iyong upuan at agad namang nagbagsakan ang mga parte no'n.

"Sinira?" Nakakunot ang noo na lumapit siya sa akin at tiningnan ang upuan ko. "Sinong sumira?" tanong niya pa.

"Sila po." Tinuro ko 'yung limang kumag na ngayon ay galit ang tingin sa akin.

"Hoy! Lakas mambintang, ah!" sigaw nung isa.

See? Defensive.

"Michael, explain," utos ni ma'am doon sa lalaking sumigaw at pinatayo ito.

The Only GirlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ