Chapter 24- Feelings

214 12 0
                                    

Julia's pov

"Ano? Dadalhin na ba natin yan sa mental hospital?" 

"Go before its too late."

"Ano bang problema niyan?!"

"Kahapon pa yang ng makabalik sa date nila ni Gio."

Lumapit ako kay Stella at walang sabi-sabing binatukan siya ng pagkalakas lakas. 

"Aray!" Malakas na sigaw nito ng sumalampak siya sa sahig. Yan. Sa sobrang katangahan nakipaglips to lips sa sahig.

Dahan dahang siyang tumayo at humarap sa akin. Akala ko magagalit pero p*ta, ang laki laki ng ngiti ng gaga!

"Enebe Julia..." Di ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Ano ba ginawa ni Gio dito?!

"Hoy babae! Nabuang na ba ka?!" (Nababaliw ka na ba?!) Sigaw ko. 

Pero imbes na mainis, mas lalo pang lumawak ang nigiti niya.

"Oo. Nababaliw na ako para sa kanya." Luh?! Kailan ba to huling pinakain nila tita?! May laman pa ba ang utak nito?! Baka puro hangin na lang ang laman!

Di na nakapagpigil si Cess at sinapak na nito. Napaungol na lang siya sa sakit ng mahalikan nito ulit ang sahig. Yan. Di na tuloy virgin ang lips.

"Ano bang problema niyo?!" Malaks na sigaw niya. Ay nakabalik rin sa reyalidad. 

"Ikaw! Ano bang nangyayari sayo at kahapon ka pa nagday-day dream?! Pasalamat ka di ka ipinag-initan ng ulo ni Xavier at Lucas!" Napairap siya. Pano ba naman, ine-explain nung dalawa na kakabalik lang galing sa Paris, kung ano ang magiging bagong misyon namin pero tung gaga di man lang nakinig. Kung saan saan pa nakatingin at pangiti ngiti kahit wala namang nakakatuwa sa bagong minsyon na binigay! 

"Ano ba kasi yung misyon?!" Aba at siya pang may karapatang mainis! Sasapakin na sana siya ulit ng pigilan ako ng dalawa. Bwiset! Dali dali naman siyang lumayo. Kumalma ako pero masama parin ang tingin sa kanya.

"Ano bang nangyari? May ginawa ba si Gio?" Mahinahong tanong ko. Si Gio lang naman kasi ang huling kasama niya at sa pagkakaalam ko may gusto si Stella sa kanya. 

"Masaya lang ako dahil kasama ko siya! Masama ba yon?!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Sasagot na sana ako ng magsalita si Kath.

"Did you already forget huh Stella?" Malamig na tanong ni Kath. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa pwesto ni Stella.

Damn. I can feel her aura. Ang bigat bigat. How can she hold this much power even when she's younger than us?

"We were told to stay away from them. But I gave you permission to talk to them and act like nothing happened. But I don't remember giving you permission to SPEND A WHOLE DAY WITH THEM." Mariin na ani nito. Di nakasagot si Stella at napayuko na lang.

 I suddenly feel sorry for her. Ang tagal na rin pala ng huli kong makitang malungkot si Stella. Stella and I bring joy in the group. Kami ang laging inaasahan pagdating sa mga kalokohan. I always see her happy to the point that I can't remember her sad face anymore. And now, here we are.

"Di naman kasi madaling iwasan na lang sila ng ganon? Kaibigan ko si Gio. Bakit ko iiwasan ang kaibigan ko, Kath?" 

"Hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo para sa kanya Stella?" I was a little taken a back when she spoke straight Tagalog. Bihira ko lang marinig magsalita ng tagalog si Kath, kadalasan kasi english, lalo na pagseryoso ang usapan.

Protectors of the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now