Chapter 12- Restaurant

262 8 0
                                    

Stella's pov

The heck?! Ako nga tung araw-araw nag-aaral nahihirapan! Tapos si Kath na di ko man lang nakitang sumulyap sa isang libro tapos na?! This girl is insane! This test is a 2000 multiple choice question! How in the world did she finish all of those?!

And based on Zion's reaction, she probably aced it! This friend of mine never disappoints.

Ilang oras na din ang lumipas at tulog mantika na si Ms. Genius niyo. Malapit na rin akong matapos at konti na lang ay puputok ng ang utak ko. Yung tiyan ko kanina pa gusto kumain.

It's already 1:00 pm and we decided to skip lunch. Konti na lang kasi at matatapos na kami. Mas maganda pag na-eenjoy namin yung pagkain. Pakain kain lang kami ng biscuit.

"Di pa ba kayo kakain?" Napatingin ako kay Giovanni ng magsalita ito. Sabay kaming tatlong umiling. Ngumiti muna ako bago sumagot.

"Mamaya na. Malapit na rin naman kami matapos." Tumango na lang siya.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos rin ako. Hoooooo! Ilang oras din akong nakaupo lang. Nagstretch muna ako at ipinikit ang mga mata. Jusko! Nanunubig pa ang mga mata ko! Kinusot ko muna ito bago imulat ulit ang mga mata.

I double checked my test paper just in case I missed any questions. Tiningnan ko naman ang tatlo. Si Kath tulog parin habang chini-check nadin nina Cess at Julia ang mga test nila. Looks like we're done.

Nagtama ang tingin naming tatlo. We smirked at each other and stood up simultaneously. Nakuha namin ang atensyon ng mga royalties. Naglakad kami patungo sa mesa nila at inilahad ang mga sinagutang papel. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nila. Ang bilis namin noh? Hehehe.

Once we handed in our papers we went back to our seats and sighed in relief. Di naman mahirap yung test, sadyang marami lang tanong. Ewan ko lang dun sa tatlo at dun sa kambal. I hope we passed. I can't help but to get nervous now. Kahit na nadalian ako, meron pa ring posibilidad na mali yung mga sagot ko.

Nubayan! Hooo! Have confidence Stella Kaylee Wilson!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagstretch. Sumakit likod ko kakaupo.

"Sino kaya sa atin ang magbabantay sa mga trainees?" Tumayo ako ng maayos at umirap kay Julia. Sana wag ako, huhuhu.

"We'll see. But I know for sure that it won't be me." Mayabang na ani ni Princess. Tsk! Lord kayo na bahala. Ang hirap kaya maging trainer! Sakit sa katawan lalo na at magagaling at mas lalo pa silang gumagaling. Kawawa katawan namin.

"Tara na? Pwede na tayong umalis diba? Kanina pa gutom yung tiyan ko!" Reklamo ni Julia habang nagliligpit na ng gamit. Tumayo ako lumapit sa lamesa ng royalties at agad nakuha ang atensyon nila.

"Pwede na ba kaming umalis?" I asked. Tumango naman si Zion at itinuon ulit ang pansin sa mga papel. Sungit talaga. Mahirap bang magsalita? Tatalikod na sana ako ng magsalita yung abnormal kong subject, si Giovanni. Ano kayang meron dito sa lalaking toh at bwisit na bwisit ako?

"You'll see your test results tomorrow. It will be posted in the school's bulletin board." He said. Tumango na lang ako at bumalik sa lamesa namin.

"Huy! Gisingin niyo na yang golden baby niyo." Turo ko kay Katherine na sarap na sarap ang tulog. Bahagya siyang niyugyog ni Cess.

Mabilis naman siyang nagising at kinusot ang mga mata. She's a light sleeper. Konting ingay at galaw lang magigising yan.

"Tara na. Aalis na tayo." Humikab muna siya bago tumayo. Sabay kaming lumabas sa library at nagtungo palabas ng royalties room.

"Tapos naba yung kambal?"

Protectors of the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now