Chapter 9- Trackers

271 11 1
                                    

Julia's pov

Maaga palang ay nandito na kami sa paaralan. Last night I learned that the four campus royalties own Zyxatious Academy. Akalain mo yun? Yung lalaking maraming hangin sa katawan, ang may-ari ng school?

I'm kinda upset, thinking about the mission yesterday. May apat na royalties. There was a probability of 1 to four na siya ang maa-assign sa akin. And guess what? Yung mahangin nga na PRINSIPE ang na assign sa akin! Humanda ka sa akin destiny! I remembered his profile yesterday.

Kaleb Mark Lee is a dancer. Dancer ang puta. Sa rami ng hangin niya sa katawan nagawa niya pang sumayaw.

Ang gaganda talaga nila noh?

Omayghad! Katherine Abigail Xanders is also here!!!!

Bes kompleto na sila!!!!

Nabalitaan kong mayboyfriend na sina Princess at Kath daw. Legit?

Kung legit nakaka-sad naman.

Napakunot ang noo ko sa narinig. Ano ngayon kung meron nga? Yan ang mahirap pag sikat ka. People can be either satisfied or disappointed with you. People can judge you easily. People have high expectations of you.

Some celebrities are even scared to be in a relationship just because they are scared of what people might think about them.

Anyways, pumasok kami sa elevator at pinindot ang 6th floor button. Buti naman at gumana na ang elevator. Ang high-tech nang school nato, may elevator. I love the school actually. Ang ganda din ng uniforms nila.

Agad kaming lumabas ng tumunog yung elevator at tinungo ang Royalties room. Now that I think about it. There's a lot of students here that would die just to get a look of the Royalties room.

Halos lahat ng estudyante dito eh fans nung apat. Lalo na yung mga kababaihan dito.

Nang marating namin ang pinto ng Royalties room, agad na binuksan ni Cess yun gamit ang susi ba binigay ni Zion kahapon.

We slowly opened the door at bumungad sa amin ang napagandang bahay. Este room pala. Wala ding katao-tao. Maaga pa din kasi.

Agad kaming umakyat sa hagdanan patungo sa library. Mahaba habang araw na naman toh. Agad kaming umupo sa isa sa mga lamesa doon.

"Sige na magsimula na tayo." Hayyy. Pahirapan na naman tayo sa pag-iintindi ng mga lessons eh!

Tumayo na lang ako at naghanap na ng libro. Nang makapili na ay umupo na ako at nagsimula ng basahin ang libro.

I was focused on reading when something caught my attention. Agad akong napatingin sa pintuan ng marinig na bumukas ito. The Campus Royalties has arrived. Napatingin naman sila sa direksyon namin.

"Good morning." Bati ni Felix at ngumiti. Ang puti ng ngipin niya. Ano kayang toothpaste ginagamit nito? Ngumiti naman ako pabalik. Maganda gising ko ehkasi maaga akong nagising.

"Good morning." Balik ko at agad din nag-iwas ng tingin mg makita yung lalaking mahangin. Panira talaga yung Kaleb na yun. Dapat talaga nakipagpalit na lang ako kay Kath ng subject.

There was a deafening silence in the room. Busy ang lahat. Meron pinagkaka-abalahan ang lahat. Ipinikit ko muna ang mga mata. Nakakapagod magbasa jusko! Paglumabo tung mata ko, wala na! Mahihirapang ako gumamit ng baril. Ano ba yan! Mag focus ka nga sa binabasa mo Julia!

Napadilat na lang ako ng mata ng maglabasan ang royalties. Napa-isip ako. Paano namin sila mapro-protektahan ng di nila nalalaman?

Nagmasigurado na wala na sila, agad akong lumapit sa tatlo.

Protectors of the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now