Chapter 13- Watches

271 10 0
                                    

Princess's pov

I don't know if I should be happy or be annoyed at the fact that the 4 Royalties are here. Sa rami ng restaurant na pwede nilang puntahan, dito talaga kung saan din kami? Nice, nice. Ang galing mo timing!

But this is better than not being able to see them. Mas mapro-protektahan namin sila kung mas lapit sila sa amin. Hay ano ba talaga?! I want them here but I also don't want them here. I don't know but they give me an uneasy feeling. Nah! It's probably just my imagination.

The four of them entered the restaurant looking gorgeously hot. Tuloy tuloy lang sila sa paglalakad at mukhang di kami napansin. Umupo sila sa may bandang likod, malayo-layo sa amin.

"Ang ganda din ng pagkakatiming eh noh?" Iniwas ko ang tingin sa mga subject namin at bumaling kay Stella.

"Just act normal. Halata sa mukha mo na may masama kang balak. Mukha kang kinadnapper sa ginagawa mo." I said to her. Di makapaniwalang tumingin siya sakin.

"Grabe siya. Napaka-harsh mo talaga kahit kailan! Anong masama kung tumingin ako sa kanila? Pasalamat sila, pumayag tayo na protektahan sila. Kung di... ewan ko na lang." Umirap siya habang binubulong yung huling parte. Binatukan naman ni Julia si Stella.

"Aray! Problema mo Julia?!" Medyo mahina pero pasigaw na reklamo niya.

"Tumahimik ka nga! Pagtayo nakita... ipapakain ko pati kutsara tinidor sayo!"

"Ano ngayon kung makita nila tayo?! Sila lang ba ang pwedeng kumain dito?!"

"Kahit na! Napaka-awkward kaya! Baka isipin nila, sunod tayo ng sunod!"

"Kapal naman ng mukha nila kung iisipin nila na sinusundan natin sila! For their information, tayo ang nauna dito! Baka nga sila tong sunod ng sunod!"

"Di mo ba naisip n-"

"Di ba kayo titigil? Ako mismo ang sisipa sa inyo palabas. Sige, ubusin niyo pasensya ko." Kath.

Natahimik ang dalawa at pinagpatuloy ang pagkain. Tsk! Takot pa rin pala kay Kath. Napailing na lang ako at tiningnan ang pwesto ng mga subject namin.

Napapalibutan sila ng nakakakilabot na awra at lahat ay may seryosong mukha. Ano kaya ang pinag-uusapan nila at mukhang problemadong problemado. I just shrugged and focused on my own business. Everyone has a problem of their own.

Ilang oras ang lumipas at busog na busog na kami. Hanggang ngayon di pa rin nag-oorder yung apat na lalaki at patuloy pa rin sa pag-uusap.

"Di ba nauso sa kanila ang office or meeting room? Pupunta punta ng restaurant tapos di kakain? Anong trip nila?"

"Napakachismosa mo talaga Julia. Hayaan mo nga sila. Di ka nila pinapakialaman kaya wag mo rin sila pakialaman." Napa-roll eyes nalang si Julia sa sinabi ni Stella.

"Anyways... di pa ba tumatawag yung kambal?"

"May narinig kabang tumatawag ha Stella? May nakikita kabang may kausap ni isa sa atin sa phone? Wala diba?"

"Ikaw ba kinakausap ko? As far as I can remember, di ikaw yung tinatanong ko." Lord, bakit niyo po ako binigyan ng mga isip batang kaibigan? Umiinit na ang ulo ko dito sa dalawang toh! Sasagot pa sana si Julia ng biglang sumabat si Kath.

"The twins didn't show up today."

Napatingin naman kaming lahat sa kanya. She was looking down at her phone wearing an emotionless face. What happened?

Protectors of the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now