Chapter 16

180 6 2
                                    

Francheska's Pov

Simula ng makauwi kami ni Tito Marcos galing sa mall hanggang kaninang nagkasabay kaming kumain ng breakfast iniwasan ko talagang makausap siya. Hindi pa ako handang marinig ang mga excuses niya. Niloloko niya ang Mama ko. Kaya pala parang nag-iiba ang pakikitungo niya kay Mama. May babae pala siya.

Galit ako sa kaniya. Sinasaktan niya ang feelings ng Mama ko. Pinapalungkot niya ang Mama ko. Hindi ko na siya gusto.

"Fran, okay ka lang? Parang handa ka ng manuntok ah." I didn't realize that Tim and his friends are already standing around me.

"Yeah, i'm fine. May iniisip lang." Sagot ko.

"Let me guess, iniisip mo kung paano ka magkakaroon ng kaibigan. Simple lang naman 'yan eh. Tigilan mo kasi 'yong pagiging weird mo." They all laughed at me.

Right. Hindi ko nga pala kaclose ang grupo nila. Kung tutuusin wala akong kaclose dito sa school. Hindi kasi ako nakikipagkaibigan. Hindi ko alam kung bakit. Siguro i'm just too afraid to get close to anyone and get hurt like what my father did to me.

I decided to leave dahil wala ako sa mood para sa mga childish attacks nila. Patayo na sana ko pero hinarangan ni Tim ang dadaanan ko.

"Saan ka pupunta weirdo? Kinakausap pa kita. Magpasalamat ka nga at pinag-aaksayahan pa kita ng oras." Mayabang na salita niya.

"Well, thank you sa pagpansin sa'kin Tim. I need to go." Walang emosyong sagot ko bago humakbang pakanan para makaiwas sa kanya.

"Ang yabang m—"

"Tim, let her go." That Jared Baltazar. Isa sya sa mga members ng aikido team ng school.

"Tss! Fine."

Tim moved out of my way. He has no choice. Jared and his friends from the aikido team are most respected group in the school. Siguro dahil natatakot din ang mga students sa kanila. Naglakad si Jared papunta kay Tim. Ang ibang mga kaibigan niya naman ay lumapit sa mga kasama ni Tim. They are staring down at them. Halata namang natatakot ang mga ito sa kanila.

"I suggest you stop bullying and harrassing our co-students Tim. Got it?" May halong pagbabanta sa boses ni Jared.

"Yeah, whatever man." Alanganing sagot ni Tim.

"Good. Let's go." Nagsimula ng maglakad palayo sila Jared. Ganun din ang ginawa ko.

Pagdating ng uwian naging problema ko kung magpapakita ba ako kay Mama. She already sent me a message na papunta na sya. Pero paano ko sya haharapin ng kaming dalawa lang? Hindi ko masabi sa kanya ang nalaman ko. Ayaw kong pangunahan si Tito Marcos at alam kong masasaktan ng sobra ang Mama ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko napansin na may tao na palang nakatayo sa harap ko. This is twicd in a day. I'm spacing out too much.

"Jared, hi." I smiled at him awkwardly. "Uhm, wala lang. Haha!" Napakamot ako sa batok ko.

"I saw your Mom's car outside. Bakit hindi ka pa lumalabas. May problema ba? Ginugulo ka na naman ba nila Tim?" Tanong niya sa'kin.

"Ha? Hindi. Ano kasi eh." Di ko alam kung anong isasagot. I'm really not a liar.

"May problema ka nga. Tell me." Tiningnan nya ko ng diretso sa mata.

Huminga ako ng malalim at saka nag-isip. Jared is one of those matured teenagers. Makikita mo 'yon sa kilos nya. At mukha naman syang mapagkakatiwalaan.

"Jared, what would you do kapag nalaman mong 'yong stepfather may ibang babae?" Diretsahang tanong ko.

"I'll let the adults handle their problems. We're too young to stress ourselves out because their drama. I know you're thinking about your Mom's feelings but you have to let them sort it out." He answered. May point naman sya.

"You're right. I know Tito Marcos loves my mother. I'll give him a chance to handle this on his own." I answered habang tumatango-tango.

"Good. Now, lumabas ka na dun kasi hinihintay ka na ng Mama mo." Nakangiti niyang paalala sa'kin.

"Yeah. Ah—hey, thanks." Nakangiti kong dagdag.

Tumango nalang sya at ngumiti bago ako tinalikuran. He's right. I'll stay out of it. At least for the meantime.

------

Pagdating namin ni Mama sa bahay nagtakha kami kasi may mga nakasabit na decorations sa paligid. There are pictures of Mama and Tito Marcos at may mga pictures din na kasama ako. May mga red and white balloons din.

As we walk to the dining area a sweet song started playing. Their theme song. Napangiti ako. Tama lang na hindi ako makialam.

"Hi Sweetheart." Tito Marcos is standing by the dining table. He's holding a huge bouquet of flowers. I looked at my mom as she wipes a tear in her eyes.

"Para saan 'to?" Nakangiting tanong ni Mama.

"I know i've been an ass lately. I'm so sorry and i promise you babawi ako." Tito Marcos stated.

"Hindi mo naman kailangan magsorry. Alam ko namang pagod at busy ka lang sa dami ng projects mo." Lumapit si Mama sa kanya to hug and kiss him.

"Still, i'm sorry. I love you Eva." Iniabot ni Tito Marcos kay Mama ang bouquet.

"I love you Marcos. So much."

Okay na rin sigurong hindi na nya sinabi kay Mama 'yong tungkol sa Sarah na 'yon. Mukha namang naging distraction lang ang babaeng 'yon eh. Para hindi na rin masaktan pa si Mama.

"I'm happy na okay na kayo. Pero syempre dapat kasali ako sa yakapan nyo." Pagbibiro ko. Tito Marcos waved his hands calling me to come closer.They both hugged and kissed me on my head.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa. Kayo ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko." He said while looking at us. At hindi sya nagsisinungaling. He's eyes are like the windows to his heart. They show so much love towards us.

"Naku! Masyado na tayong madrama. Kumain na tayo. Mukhang masarap pa naman 'tong mga niluto mo." Mama stated habang nagpapahid ng luha.

"Syempre naman. Mga paborito mo lahat 'yan eh."

Masaya kaming kumain ng dinner habang nagkukwentuhan. Tito Marcos told us about all of his current projects. Si Mama naman nagbabalak palang magdagdag ng mga panibagong branch ng resto nya. Sana hindi na matapos 'tong ganitong saya. Sana palagi nalang kaming ganito.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now