Chapter 15

200 6 0
                                    

Marcos' POV

Simula ng sinubukan kong makipaghiwalay kay Sarah mas lalo na siyang naging needy and controlling. Kapag sinasabi ko sa kaniya na hindi kami pwdeng magkita tinatakot niya ko na pupuntahan si Eva para aminin ang lahat. Naiipit na ko sa sitwasyon. Even Francheska is already having her doubts on me.

"Kamusta Pare? Okay na ba kayo ni Eva?" Tanong sa'kin ni Kyle.

"Pare lalong gumulo 'yong sitwasyon. Ayaw makipaghiwalay ni Sarah sa'kin. Simula nung kinausap ko siya hindi na ko makatanggi kapag gusto niyang makipagkita. Tinatakot niya kong kakausapin niya Eva para sabihin ang lahat." Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang  pagkainis.

"Problema ba 'yon? Eh di ikaw ang umamin kay Eva. Aminin mo lahat ng dapat mong aminin. 'Yan naman din ang tamang gawin eh. Umamin ka na kay Eva in that way wala ng pwdeng ipanakot sa'yo 'yang Sarah na 'yan." He advised.

Maypunto naman siya ang kaso nga lang hindi ko alam kung mapapatawad ba ko ni Eva kapag nalaman niyang matagal ko na siyang ginagago. Natatakot ako na baka kapag nalaman niya 'yong totoo iwanan niya ko. Pero tama si Kyle. I have to be honest to her. Para rin wala ng naipapanakot sa'kin ang baliw na babaeng 'yon.

"Tama ka Pare. Kahit ano man ang maging reaksyon ni Eva dapat umamin na ko. Besides, i know that she loves me. Hindi man agad-agad, alam kong mapapatawad niya din ako." Buo ang loob na pahayag ko.

"That's my boy! Ganyan dapat! Alam mo Pare, everytime we commit mistakes we have to man up and own them. Hindi 'yong tatabunan nalang natin kasinungalingan ang isang kasinungalingan. Wala namang sikretong hindi nabubunyag eh." He stated habang iniinom ang beer sa baso niya.

"You're right. Salamat Pare. Nalinawan ako dahil sa mga sinabi mo." I tapped his shoulder.

"Wala 'yon. Napakaswerte mo na kay Eva pre. 'Wag mo na siyang papakawalan." Dagdag niya pa.

Alam ko at wala akong balak pakawalan siya. Hindi si Sarah ang magiging dahilan ng paghihiwalay naming dalawa. Hindi ako makakapayag.

"Marcos?" Napalingon kami ni Kyle sa babaeng nagsalita mula sa likuran namin.

"Jessica?" Sabay na tanong namin ni Kyle.

"Yep. Kamusta na kayong dalawa?" Tanong niya sa amin.

"Ah—okay naman. Ikaw? Kamusta ka?" Nagtakha sa inasta ni Kyle. He stood up and took Jessica's hand at hinarangan ang direksyon ko.

"Uh, i'm good. Haha! Ikaw?" Halata kay Jessica ang pagkailang dahil sa kinilos ni Kyle.

Problema nito?

------

Jessica's Pov

Naglalakad ako papunta sa comfort room ng may mapansin akong dalawang lalaking kilalang kilala ko. At isa sa kanila ang lalaking pinapangarap ko na simula pa nung college kami.

"Marcos?" Tawag ko sa pangalan niya. Sabay silang napalingon sa akin.

"Jessica?" Halos sabay nilang banggit sa pangalan ko. Wala nga palang nakakaalam na bumalik na ko from Spain.

"Yep. Kamusta na kayong dalawa?" Tanong ko sa kanila pero kay Marcos lang talaga ko nakatingin.

"Ah—okay naman. Ikaw? Kamusta ka?" Si Kyle ang sumagot sa tanong ko. Nagulat pa ako ng kunin niya ang kamay ko at harangan si Marcos. Hindi pa sya nakuntento at hinila nya pa ko pabalik sa table ko.

"I'm—i'm fine Kyle. Hindi ba natin isasama si Marcos dito sa table ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ah naku, may live in partner na si Marcos. Hayaan mo na 'yon." Napakunot ang noo ko.

"Huh?" I tried to verified what i just heard.

"Ah, hindi mo ba alam? Hindi yata kayo friend sa facebook. Ito oh, tingnan mo." Inilabas nya ang phone nya at ipinakita sa akin ang facebook profile ni Marcos.

I saw a beautiful woman smile in front of the camera while Marcos is kissing her on her right cheek. So it's true. Marcos is with someone. They look... in love...

"Oh" 'Yan lang ang nasabi ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita.

"Nakabalik ka na pala from Spain." I heard Kyle said.

"Ah—yes. Nung isang araw lang." Pilit akong ngumiti.

"Are you back for good?" Dagdag na tanong niya.

"I'm still thinking about it ." I responded.

Dahil sa nalaman ko i just settled spending my time catching up with Kyle. He tried his best to entertain me. I honestly enjoyed his company pero iba pa rin sana kung si Marcos ang kasama ko.

------

Francheska's Pov

Palabas na ko ng mall ng makita ko si Tito Marcos na naglalakad papunta sa direksyon ko. I don't think he saw me kasi parang ang lalim ng iniisip niya.

"Tito Marcos?" I called him.

"Francheska? What are you doing here?" Balik tanong niya sa'kin.

"I bought something for Mama. Ikaw?" I responded.

"Wala naglalakad lakad lang. Pauwi ka na ba?" He replied.

"Ah, yeah. Ikaw?" Sagot ko.

"Halika, sabay na tayo." Aya niya sa'kin.

Sabay na sana kaming maglalakad palabas ng mall ng may biglang humarang sa aming matangkad na babae. Judging by her looks, mukhang napakayaman niya.

"Hey there! I've been calling you but your not picking up." The woman said to Tito Marcos.

"Sarah—uhm.. You're calling? Oh! Would you look at that? You are actually calling."

Npakakunot ang noo. Halatang uncomfortable si Tito Marcos na kaharap niya. But why?

"Hmmmm.. Are you avoiding me? No, right? You're not avoiding me right?"

Sarah walked towards Tito Marcos and wrapped her arms around his shoulder. Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ang boyfriend ng Mama ko.

"Avoiding me will be stupid right?" Dagdag pa ni Sarah.

"Tito Marcos? Anong ibig sabihin nito?" Hindi ko napigilang magtanong.

"I suppose you're Francheska. Eva's daughter." Tumango ako. "Hi! I'm Sarah, Marcos' girlfriend." Inalahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"What?! Tito Marcos anong sinasabi ng babaeng 'to?!" Baling ko kay Tito Marcos.

"Wow! Rude! I'm meeting with some friends and i want you to come with me." She demanded as if pagmamay-ari nya si Tito Marcos.

"He's not coming with you. Tito Marcos uuwi na tayo di ba?" Baling ko kay Tito Marcos.

"Hindi ka tinuruan ng magandang asal ng nanay mo ha?" Galit na sagot naman niya sa'kin.

"Tinuruan. Itinuro niya rin sakin kung paano magpalis ng peste. Tito Marcos umuwi na tayo." Hindi ako pinalaking bastos ni Mama pero kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng 'to.

"You shouldn't have done that. Let's go Francheska." Nang magsimulang malakad si Tito Marcos palabas ng mall sumunod na rin ako.

Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko 'yong salitang binitawan ni Sarah. "Pagsisisihan mo 'to Marcos. Tandaan mo 'yan."

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now