Chapter 13

212 5 0
                                    

Eva's POV

Another two years had passed and i feel like i'm starting to be normal once again. Hindi ko na nagawa pang magpatingin sa psychiatrist dahil naging sobrang busy na ako sa trabaho at negosyo. Nakapagexpand na kami ng tatlo pang brances kaya may naging time consuming na ang negosyo. Sobrang swerte ko lang dahil napakasupportive at understanding ni Marcos.

Siya ang katulong ko sa pagpapatakbo ng negosyo habang nagrerender pa ako sa pinapasukan kong kompany. Napagdesisyunan ko ng magfile ng resignation dahil hindi na kinakaya ng oras ko ang pagmamanage ng walong branch ng resto. Pakiramdam ko nakafocus sa akin ngayon ang Diyos dahil sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ko.

I already met Marcos' family and they all welcomed me with so much love and acceptance. They know my past but instead of receiving judgement all i received from is understanding and appreciation. Itinuring na ring parang tunay na apo ng parents niya si Francheska. Nakapaspoiled nga ng anak ko sa kanila.

"Hi there sweetheart." I kissed Marcos on his cheeks as i approached him on his office table. Nagsasama na kami ni Marcos sa iisang bubong kasama si Francheska at nakita ko kung gaanong minahal ni Marcos ang anak ko.

"Hey." Nagulat ako dahil sa cold na pagbati niya. Maybe he's tired.

"Mukhang sobrang busy mo ah. Gusto mo ba ng coffee?" Alok ko sa kaniya. I just got home from one of our resto branch.

"Yeah, that would be great." Wala pa ring ganang sagot niya.

"Okay.."

Habang pababa ako ng hagdan parang may unti-unting bumabara sa lalamunan ko. Marcos is never cold to me . He's always sweet, attentive, caring and loving. Pinilit kong ialis sa isip ko ang mga negative thoughts na dahan-dahang bumabalot sa'kin. He's juts tired. He's doing a lot of projects lately, idagdag pa ang pagtulong niya sa akin sa pagmamanage ng negosyo ko. Right, he's tired and busy.

"Ito na 'yong kape mo oh." Pumunta ako sa likuran niya para i-massage ang balikat niya.

"Thanks babe." Natigilan ako sa ginagawa kong pagmamasahe sa kaniya.

"What?" Tama ba 'yong narinig ko?

"What? Masama bang tawagin kitang babe? Ayaw mo na nun? Eh di hindi na. Problema ba 'yon?" Iritadong sagot niya.

I got offended by the way he talked to me so i decided to go out of our room at pumunta sa pool area. Gusto ko munang magpahangin. Parang hindi ako makahinga sa naramramdaman ko. What's happening? Why is he like that? May problema ba kami? No, i'm just overthinking. Pagod lang si Marcos. Tama. Pagod lang siya.

----

Jack' POV

It's been so long pero wala pa ring development sa appeal na nai-file nila Mama para makalaya ako. Naiinip na ko. Gustong gusto ko ng makaganti sa wlaanghiyang Eva sa 'yon at sa traydor kong kaibigang si Marcos. Mga hayop sila! Pinagkaisahan nila ko.

"Jack nandyan nanay mo." Napukaw ng jail guard ang atensyon.

Habang naglalakad ako papunta sa visiting area kasama ng jail guard na tumawag sa'kin may naisip akong isang paraan para makatakas. Hindi ako papayag na mabulok nalang ako dito sa loob ng kulungan habang sila nagpapakasaya.

"Anak! Diyos ko, anak! Ang payat mo na." My mom said teary eyed.

"Paanong hindi ako papayat eh hindi naman ako nakakakain ng maayos dito. Bakit ba kasi ang tagal niyo kong ilabas dito sa pesteng kulungan na 'to?!" Nakakapikon! Naiinip na ko.

"Anak ginagawa ng abogado ang lahat para maiapela ang paglaya mo. Binabayaran na namin lahat ng pwdeng bayaran pero hindi ko maintindihan bakit wala kaming makuhang tulong." Naiiling na sagot ni Mama.

"Itakas niyo ko dito! Gumawa kayo ng paraan para makatakas ako dito! Hindi ako papayag na si Eva at ang hayop kong kaibigan namumuhay ng masaya habang ako naghihirap dito sa loob ng kulungan!" Sigaw na pabulong ko kay Mama.

"Anak, delikado 'yang iniisip mo. Baka mapahamak ka." Halata ang pag-aalala sa mukha ni Mama.

"Mas mapapahamak ako dito sa loob ng kulungan!" Galit na sagot ko.

"Anak paano ka makakatakas dito? Hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yang gusto mo." Lalo akong napikon.

"Akala ko ba mahal mo ko? Bakit itong simpleng bagay na hinihingi ko hindi mo pa magawa? Kung ayaw mo kong tulungan ako ang gagawa ng paraan. Sige na umuwi ka na."

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot ni Mama. Tinalikuran ko na siya at bumalik na ko sa aking selda. Kung hindi niya magagawa ang gusto ko wala akong magagawa kung hindi gumawa ng paraan ng mag-isa.

----

Francheska's POV

Hindi ako mapakali. I know something's wrong with my mom. May problema siya at ramdam ko 'yon. Hindi ko lang alam ano ang pinoproblema niya. Hindi naman sila nag-aaway ni Tito Marcos. Maayos ang takbo ng negosyo niya. Maganda din naman ang mga grades ko. Ano pa bang pwde niyang problemahin?

"Tito Marcos?" I approached him when i saw him at the pool side drinking his wine.

"Francheska? May kailangan ka ba?" Tanong niya sa'kin.

"Gusto ko po sanang humingi ng tulong sa'yo Tito." I started.

"Tulong? Tungkol saan? May nangyari ba?" Tanong niya agad sa'kin.

"Wala naman pong problema Tito. Nakita ko lang kasing malungkot si Mama. Gusto ko sana siyang i-surprise." Nakita kong natigilan siya dahil sa sinabi ko.

""Malungkot? Sinabi niya ba kung bakit?" He asked.

"Hindi naman po siya nagsasabi kung bakit. Pero obvious po kasi. Ano Tito? Pwde niyo ba kong tulungan?"

"O— wait lang hija, sasagutin ko lang 'to ha?" Paalam niya sa'kin. Nagtakha ako kasi kinailangan niya pang lumayo bago niya sagutin 'yong tawag. Hindi naman siya ganyan dati.

I watched him as he talked to the person on the other line. Mukhang masaya siyang kausap ang taong 'yon. Nung nakita niyang nakatingin ako sa kaniya bigla siyang tumalikod. Weird. Inabot ng ilang minuto ang pakikipag-usap ni Tito sa kung sino mang kausap niya.

"Sorry about hija." Medyo uncomfortable na 'yong itsura niya pagbalik niya.

"Sino po 'yong tumawag Tito?" Curious na tanong ko.

"Ah wala—wala 'yon. Kliyente ko lang. Ano na nga ulit 'yong sinasabi mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Gusto ko pong i-surprise si Mama." Sabi ko nalang.

"Kailan mo ba balak gawin 'yang surprise na 'yan?" He asked pero pa rin siyang uncomfortable.

"Bukas po sana Tito eh." Sagot ko.

"Naku hija. Hindi ako pwde bukas. May importante akong lalakarin eh." This is the first time na meron siyang inunang ibang bagay kaysa kay Mama.

"Sige po Tito. I undertand." I said then walk away. Pero bago ako tuluyang makalayo nilingon ko pa sya. I saw him scratching his head like he's feeling frustrated.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now