Kabanata 35

9.6K 504 969
                                    

Dead

The kiss was slow. But passionate.

Agad akong humiwalay sa kanya matapos ang ilang segundong pagkakalunod sa halik.

"Si Mayor?! Sino ang babae?"

"Taken na si Mayor! Hindi pwede 'to!"

"Hindi naman sila bagay."

I was slightly irritated when I heard the whispers. But that drowned when Chaos rested his forehead on mine and held my hand.

Pilit mang nilalapitan ng mga tao, hinila niya ako palayo roon at ipinasok sa loob ng El Hogar. Pagbalik namin ay tahimik ang mga tauhan at nagwalk out si Eliza.

Yumuko lang ako habang papunta kami sa kung saan. Dumadagundong pa rin ang aking dibdib at hindi ito makalma. The contact between skin against skin was brief, but for that split-second when we met, it felt like forever.

I shivered when I remembered how soft his lips were.

"Yna."

Halos tumalon ako sa gulat.

"Ha?"

Umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Nandito na tayo."

"Oh, right," I blinked.

Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako. Ginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng opisina niya.

Kumpara sa kwartong aksidente kong napasukan noon, mas maliit ito. At wala ring masyadong decors. Lamesa at upuan lang ang naroon. May dalawang drawer din sa magkabilang gilid.

"So, uh..." simula ko.

He raised a brow. Kinagat ko ang aking labi at yumuko, hindi alam kung ano ang idudugtong.

"About the kiss—"

"Hindi ako hihingi ng tawad sa halik na 'yon. Noon ko pa gustong halikan ka. Hindi... na ako nakapagpigil."

Nanuyo ang lalamunan ko at wala akong masabi. Nagkamot siya ng batok at ngumisi, tila ba nahihiya.

"Pasensya na kung masyado akong seryoso at mapangahas sa sinasabi ko. Pero 'yon ang totoo."

"A-ah, wala namang kaso 'yon."

Wait, huh? Ano'ng walang kaso?!

Mabilis akong nag-angat ng tingin para magsalita, pero naunahan niya ako.

"Ayos lang?" natutuwa niyang tanong.

"Uh, hindi—I mean, oo—uh, hindi," natataranta kong tugon.

He chuckled.

"Ano'ng sadya mo rito?"

Oh right. I'm here to know more about the case! Not to kiss him!

Tumikhim ako at naupo sa isang upuan katapat ng mesa niya. Pilit kong kinakalma ang naghuhuramentado kong puso at nanghihina kong tuhod.

"I-It's about the case."

Natigilan siya. I can sense the growing uneasiness in him. Maging ako'y nakaramdam ng pagkabalisa sa maaari kong malaman. Pero determinado ako ngayon.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. At naiirita ako sa sarili kong paminsan-minsang dumadako ang paningin sa kanyang mga labi. Palagi akong dinadala ng utak ko sa nangyari kanina.

"Bakit?" he finally spoke.

"Karapatan kong malaman ang lahat. Please. I just... wanna know what happened with the case and the investigation."

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon