Kabanata 4

14.3K 735 1.1K
                                    

Frustration

"Uy, Serena, mag-mamall kami. Sama ka?"

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin ng girls' cr nang magsalita si Nadie.

"Uh, hindi na. Pupunta pa akong city hall ngayon."

I promised to help Mom with paperwork sa opisina niya. Gusto ko ring alamin ang estado ngayon ng bagong termino. So far, things have been doing good. Naibsan din ang rally ng mga street vendor sa tapat ng munisipyo dahil sa inilunsad na Binondo Night Market.

Nadie smirked. "Mukhang seryosong-seryoso ka niyan, ah. 'Kala ko ba architecture kukunin mo?"

Naglagay ako ng powder at kinuha ang blender sa pouch ko. Marahan ko ito at idinampi sa aking mukha.

"You know it'll always be politics, Nads." Sumingit si Adel sa usapan na kalalabas lang sa isang cubicle.

Hindi na ako kumibo at patuloy pa rin sa tahimik na pagbe-blend ng powder. Sunod kong nilagay ang kaonting tint at hinayaan ang buhok kong nakalugay.

"So mag-a-Ateneo ka? Diyan din nagtapos si Mayor, 'di ba?" Usisa pa rin ni Nadie.

Nagkibit-balikat lang ako at inayos na ang maliit kong pouch.

"Maybe. But I'm also considering UP." Mahinang usal ko.

Ma-dramang itinutop ni Adel ang kanyang bibig gamit ang isang kamay.

"Iiwan mo kami?"

"What? I said I'll consider it. Wala pa naman akong sinabing doon na talaga. Besides, mahirap makapasok sa UP. At malayo pa naman tayo sa kolehiyo."

"Oo nga," sang-ayon ni Nadie. "Saka kung 'yon man ang plano ni Yna, edi susunod tayo!"

Adel laughed mockingly. "Hoy, Nads, baka di mo naaalalang bokya 'yung test paper natin kanina sa Physics!"

"Sus, Physics lang 'yon! Grade 9 students pa tayo kaya natural na 'di natin 'yon alam!" Giit ni Nadie.

"Eh si Yna nga, perfect! May plus 2 pa! Mamigay ka naman huy!" Sinundot ni Adel ang tagiliran ko.

I just smirked. "Mauuna na ako. Nandoon na ang sundo ko sa gate ngayon."

They muttered their goodbyes and I left right away. Alas kuwatro araw-araw ang dismissal kaya may isang oras pa kong ilulustay sa office ni Mommy.

Pagkababa ko ay tanaw ko na agad ang itim naming SUV. Nakatayo doon sa gilid si Chaos at palinga-linga habang hinihintay ako.

Why is he here? Parte ba ng trabaho niya ang pagiging driver? Ever since he came back in the mansion, parang naging all-around na ang trabaho niya sa amin. He's not a stay-in personnel like the rest of the guards and maids we have.

And now, he's here. Pinagtitinginan siya ng mga senior high sa kabilang building at mukhang tuwang-tuwa naman ito sa atensyong natatanggap. So I strutted towards the SUV. Natigil naman siya sa kakangiti sa ibang tao nang makita ako at kumaway.

"Good afternoon po, Ma'am." Masiglang bati niya nang makalapit ako.

"Driver ka na rin?" Bungad ko.

Umasim ang mukha niya sa pagbati ko.

"Grabe ka naman, Ma'am. Tara na nga." Simangot niya saka binuksan ang front door para sa akin bago dumiretso sa driver's seat. Hindi na ako umalma pa at tahimik na nilalagay ang seatbelt nang maramdaman ko ang nanunuri niyang tingin sa akin.

"What?" Tanong ko.

"Sayang..." aniya at parang nanghihinayang na umiling-iling.

"Ano'ng sayang?"

A Day in the Night SkyWhere stories live. Discover now