Kabanata 16

8.9K 540 1.4K
                                    

Ikaw

We're all over the news.

Matapos ang eskandalong ginawa ng mga rallyista sa tapat ng aming bahay rito sa Maynila ay hindi na kami nilubayan ng media. Samu't saring kontrobersya ang pilit nilang kinokonekta sa amin kahit na wala namang katotohanan ang lahat ng iyon.

"Since when did I ever even talked to this girl?!"

May lumabas kasi na kinutya raw ni Ate noong high school. And Ate insisted over and over again na hindi niya kilala ang babaeng 'yon.

Kumunot ang noo ni Kuya. "I can't remember being a member in a fraternity."

There was also this issue of him participating in a fraternity's 'initiation'. Marami rin daw siyang nilokong babae. At ang pinakamalalang issue ay may minolestiya raw siyang babae sa isang kilalang bar sa Taft.

Mabuti nalang ay inaksyunan agad nina Mommy ito at napakulong ang tao sa likod ng dummy accounts na nagpapakalat ng kung anu-anong kasinungalingan.

But still, it wasn't enough to stop other people from doing it. Maya't maya ang mga pagpopost nila. We gave up on it. Ayaw nalang namin patulan.

Isa-isa ring naglabasan ang mga anomalya sa administrasyon ni Mommy, na kahit hindi naman niya kagagawan ay napunta ang lahat ng bintang sa kanya sa kadahilanang siya ang pinuno. Dahil dito ay umatras ang ilan sa mga kaalyado ni Mommy at nagbabanta na rin ang ibang investors na mag pull out ng kanilang shares sa kompanya ni Daddy.

Napapikit ako at inalala ang mga panahon kung kailan hindi pa ganito kagulo. I wonder when we'll get through this? Or if we ever will in the first place?

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa akin ang lahat ng ganap noong isang araw. I couldn't seem to get over it real soon. Parati akong hinahabol nito. Sinasabayan pa ng media ang lahat.

Hindi ako kinausap nina Ate at Kuya tungkol doon. Ngunit hindi rin naman nila ako kinakausap sa ibang bagay. My mom was distant, too. And my dad... he talked to me about it noong gabing 'yon.

"Yna, I am sorry for doing that."

Tipid akong ngumiti. I know I've done wrong, too. And I couldn't blame him.

"It's okay, Dad. Kasalanan ko rin naman," tahimik kong usal.

Umiling si Daddy at lumapit sa akin.

"No, no, Yna. I'm sorry. I really am. I understand your sentiments. But please understand your mom, too. She needs it the most ngayon. Soon, you will understand everything."

Tumango nalang ako at hinayaan siyang yumakap sa akin. Dad, I'm sorry but I don't think it will be easy for me to understand. But I will try. Because I love this family. I will try, kahit na maubos pa ako.

The next days were filled with Mom's campaign despite of the protests coming from literally everywhere. Nakaabang sila sa kahit saang kampanya ng partido ni Mommy.

"Gomez, tungo sa pagbabago!"

Sumisimsim ako sa tsaa nang mapanood ang TV ad ni Vice President Gomez. Naalala ko ang pagpapakilala ni Mommy sa asawa nito mahigit isang taon na ang nakalipas.

He is an influential figure even before he entered politics. Kaya naman ay marami ang naniwala sa kanyang kapasidad para mamuno. I don't know him and his family, ngunit paminsan-minsan na silang pumupunta rito noon kapag may mga selebrasyon.

Ang sabi ni Mommy ay naging 'mentor' niya raw sa politika itong si VP Gomez. Isa na rin sa dahilan ng pagtakbo niya ay ang utang na loob na mayroon siya sa bise presidente.

A Day in the Night SkyWhere stories live. Discover now