Kabanata 1

26.9K 1.1K 1.5K
                                    

Name

"Again."

Pinipilit kong hindi ngumiwi at ipanatili ang blankong ekspresyon. Nananakit na ang aking palapulsuhan ngunit ipinagpatuloy pa rin ang musika na kahit kailan ay hinding-hindi ko maiintindihan.

Palihim akong nag-angat ng tingin sa mga taong nasa paligid ko. Nandito sina Mommy at Daddy. Sa tabi nila ay si Ate Kirsten at Kuya Rim, tahimik na pinagmamasdan ang pagtugtog ko.

And Kuya Rim is making funny faces again. Napabungisngis ako kaya namali na naman ako. Dumungaw ako ulit sa music sheet na nasa music rack. Pero hindi ko nagawang sundan ang mga nota kaya wala na sa tono ang musika.

"Stop." Malamig na utos ni Mommy. I looked up at her in fear. Ilang beses ko nang sinusubukan ang piyesang ito pero hindi ko talaga makuha.

"M-mommy, I'll try again—"

Nagtaas siya ng kanang kamay para tumigil ako. Lumapit siya sa instructor kong nakayuko. I looked at my dad, nagbabaka-sakaling may magagawa siya. But he only smiled at me in defeat.

My mom tilted her head to the side and raised her perfectly-arched brows. Lihim kong ipinagdarasal na sana hindi niya gagawin iyon.

"Your services are no longer needed."

Mabilis na umangat ang tingin ni Teacher Sally sa kanya. "M-ma'am, baka pwedeng—"

"No buts," iminuwestra niya ang pinto bago nagpatuloy, "pack your bags and leave."

Nanlulumo akong tumingin sa teacher kong naiiyak. This is my fault.

Inabot ko ang kamay ni Mommy at nagsusumamong huwag ipaalis ang instructor kong ilang dekada ng naninirahan sa bahay.

She only looked down on me coldly. "Serena, ilang taon ka na niyang tinuturuan. Still no progress. It seems, nababawasan na ang kalidad ng pagututuro mo, Manang Sally."

"No, Mommy, ako yung may kulang! Ako nalang ang parusahan po ninyo!" Teacher Sally held me back from saying more things at hinagkan ako sa pisngi.

"Anak, ayos lang, ha? Ayos lang!" Pilit na ngumingiting saad ng mahal kong guro. Tumingin ako kina Ate at Kuya pero nag-iwas lamang sila ng tingin.

Just then, pumasok ang sekretarya ni Mommy sa munisipyo at nag-aalinlangan na magsalita sa harap ng buong pamilya.

"What is it, May?" Basag ni Mommy sa katahimikan.

"Uh, Mayor, may problema po sa opisina niyo. May mga nagrarally na naman po."

Umiiyak pa rin ako habang tinatahan ni Manang Sally. Tumingin si Mommy sa akin at bumuntong-hininga.

"Tama na 'yan, Yna. Be a proper lady and stop crying!" Istriktong giit niya. Pero problema 'yon kasi pag nagsimula na akong umiyak, mahirap akong patahanin.

Kinagat ko na lamang ang aking labi at niyakap ang paborito kong teacher.

"Anyway, Manang, just pack everything and leave. Ipapadala ko nalang sa lugar ninyo ang sahod mo ngayong buwan." She turned to her secretary. "Let's go, May." Aniya saka nauna na siyang lumabas.

Natatarantang sumunod naman yung May at umalis na rin.

Isa-isa silang nagsi-alisan. And that's how another day ended.

May aalis, pero may darating.

Daddy gifted me a pet dog a few days after. Tuwang-tuwa ako noon habang pinagmamasdan ang makapal nitong balahibo at hinalik-halikan ko ito. Araw-araw kaming naglalaro. The difference between night and day began to blur with my friend by my side.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon