Chapter 25

119K 2.8K 1K
                                    

LONG UPDATE!!! I wrote this for 5 hours straight and edited it for 30 minutes! Another 1 hour sa paghahanap ng gif. Wala kasing mahanap na maayos hahahaha 

Enjoy reading berrylovers! 

----------------------------------------------------

Chapter 25

Alexandra’s POV

Event Day. 

Kahit napuyat ako ay maaga din naman akong nagising.

Paano ay ang ingay ingay ni Nathan.

(-_-)

Natulog siya sa sahig.

Oo, sa sahig ko siya pinatulog.

Ayaw niya kasi sa sala at pinagpilitan na sa kwarto ko daw siya matutulog.

Kaya ayun.

Nilatagan ko ng mahihigaan niya sa sahig.

Nakatulog na nga ako’t lahat-lahat, nagrereklamo pa rin siya.

*****Flashback*****

“Hoy peste kang panget ka. Pagkatapos kitang pakalmahin kanina, dito mo lang ako patutulugin?”

Sinagot ko siya ng nakapikit ang aking mga mata. “Sinabi ko naman kasi sayo, dun ka na sa sala Nathan”

“Diyan na lang ako sa tabi mo! Kasya naman tayo diyan”

I rolled to my side.

Di na ko sumagot dahil nahihilo na ko sa antok.

“Hoy panget!” Sigaw niya.

Naramdaman kong inaayog niya ang kama ko pero di ko siya pinansin.

Mananahimik naman yan pag napagod at nakahalatang tinulugan ko na siya.

“Palit kaya tayo? Tutal naman nagiinarte kang ayaw mong makatabi ang isang gwapong katulad ko”

Narinig kong may gumalaw tapos mamaya-maya, binato niya ko ng unan.

Napatingin ako sa kanya at inirapan ko siya.

“Ano ba?!” Sigaw ko.

Nakakairita na ‘tong hayop na to!

“Anong ano ba! Dito ka sa sahig, diyan ako sa kama!”

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon