Chapter 33

99.3K 2.4K 1K
                                    

Just to inform everyone, MATAGAL PA PO BAGO MATAPOS ANG STORY NA ITO. Wala pa tayo sa kalagitnaan ng mga sikreto at mga pangyayari sa buhay ng LexanShayle loveteam :) 

So please don’t stop reading this because you’ll REALLY regret not knowing the truth behind them and the ‘original’ berry couple :*

----------------------------------------------

  

Chapter 33

 Alexandra’s POV

  

“Okay, class. I want you all to make a reviewer sa isang pad paper. Pass it to me before magend ang class natin, yan na rin ang seatwork niyo. Pupunta lang ako sa faculty saglit at may pinapaasikaso sakin. I expect no one to go out of this room. Mich, please look after your classmates”

“Sige ma’am. Keribells lang” Sagot naman ni mich.

“Hoy pahinging papel”

“Ayoko nga, bumili kang iyo”

“Ang damot mong hayop ka. Laklakin mo yang papel mong ginto”

“Tol, kahit isa lang naman please”

“Oh yan na nga! Lintek parang utang na loob ko pa”

Ang ingay agad sa buong classroom pag labas ni Ma’am.

Mga naghihingian ng intermediate paper tapos yung iba, nagkukwentuhan na.

Ako naman napatingin sa may pintuan.

Bakit kaya wala pa si Nathan?

Ano yun? Male-late?

  

I looked at my phone but there was no text from him.

Siguro nga tinanghali lang ng gising.

 Kumuha na lang ako ng papel at kinopya ko na yung mga dapat kong kokopyahin from my book.

Nagearphones na lang din ako para di masyadong maistorbo.

After a few minutes, tinignan ko mga classmate ko.

Ang gugulo nila.

Yung iba tapos na magsulat, yung iba naman wala pa sa kalahati.

Si Sean at Gabriella, nakakatuwa.

Parehas silang busy pero maya’t-maya tumitingin sa isa’t-isa.

Si Ryan naman halatang katext itong bestfriend ko.

Parehas kasi silang nakangiti at nakatitig sa cellphones nila.

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon