Chapter 18

112K 2.5K 855
                                    

Chapter 18

Alexandra’s POV

“Nate, pwede favor?” Tanong ko bago kami makarating sa bahay.

“Oh” sabay lapit niya ng pisngi niya habang nagdadrive siya.

Ha? Ano daw?

“Para saan yan?”

“Di’ba humihingi ka ng favor? Oh, ayan na pisngi ko. Alam ko namang gusto mo lang akong halikan. Bilisan mo na, baka magbago isip ko----ARAY!”

Sinampal ko nga, medyo malakas lang naman.

“Hoy, kailan ka ba pwedeng kausapin ng maayos?”

“Pag maganda ka na. Kaso wala ka nang pagasa kaya….” He looked at me and smiled.

Yang evil smile na yan!

NAKO!

“Aish! Never mind” Bulong ko.

I crossed my arms and glared at him.

Natawa lang naman siya at tinoon na ulit ang paningin sa kalsada.

HINDI MAN LANG AKO PIPILITIN TANUNGIN KUNG ANONG FAVOR BA YUNG SASABIHIN KO!?

GRABE NAMAN TALAGA!

“Nate sige na please…” Pagmamakaawa ko nung sobrang lapit na kami sa bahay.

“Sige na please eh wala ka pa namang hinihiling. Baliw ka noh?”

Ay oo nga.

“Wag mo naman sabihin kay Mama na nahimatay ako, please?”

“Pansin ko lang, nung nasuka ka, ayaw mo ring sabihin ko sa mama mo. Bakit? Takot ka ma-hospital noh? Alex duwag! Alex duwag! Minsan nga ikukulong kita sa hospital hahahaha or dadalhin kita don para maoperahan na yang mukha mo HAHAHAHA”

(-_-)

Hayup ka talaga!

May araw ka rin sakin!

Nanahimik na lang ako at dire-diretsong bumaba ng kotse niya pagkapark niya dito sa garage ng bahay namin.

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon