Chapter 52

69.8K 2.2K 922
                                    

Chapter 52


Alexandra's POV


"I'm home!" Rinig kong sigaw ni Mama sa baba. Napatayo agad ako at nagtatakbo papunta sa kanya.


"Ma! I have to ask you something!"

"Oh? Tungkol saan? Bakit parang nagmamadali ka yata?" Tanong niya habang tinatanggal ang jacket na suot niya.


"Because this is important!" Sigaw ko.

"O-kay? Hahaha you don't need to shout bunso. Ano ba iyang itatanong mo sa akin?"


"May kilala po kayong Kathryn Bernardo?" Sinundan ko siya papunta sa kitchen dahil iinom yata siya ng baso ng tubig.


"Hmmm...I don't remember..."

"Ma, please. Alalahanin mo po"


Tumawa siya ng kaunti sa akin. "Why do you want to know, anyway?"

"Because!"


I can't tell her about the reincarnation thing.

Kilala ko si Mama. Hindi siya naniniwala sa mga ganun.


"Basta ma! Sige na po, isipin niyo mabuti" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Let's see"


Humawak siya sa sink at nagisip saglit. "Familiar yung name niya....Ah oo! Naaalala ko na. Siya yung kapatid ng lolo neil"


My mouth formed a perfect 'o' out of shock.


"So she's my great grand aunt?"

"Oo, apo ka niya sa tuhod. Bakit?"

"Ah eh...nakita ko po kasi ito" Pinakita ko yung hawak kong picture.


Nice Alex. That's a very lame excuse.

Wala namang Kathryn Bernardo diyan eh.


"Naghahanap po kasi ako ng baby pictures ko. Pinapadala po ng teacher namin para bukas. Eh wala po kong mahanap sa kwarto ko kaya dun po ako sa inyo naghanap"


"Oh sige, ako na maghahanap. Alam ko nandun lang yun eh. Matulog ka na muna, gabi na. Ipapatong ko na lang sa table mo yun kung may mahanap ako"


"Okay ma, thank you po"


Tumakbo na ko papunta sa kwarto at agad-agad kong tinawagan si Nate.

Kaso hindi niya nasagot. Siguro busy siya kausap ang papa niya.


*sigh*


Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon