Chapter 5

190K 3.3K 621
                                    

Good afternoon guys! Dapat kagabi ko pa naupdate ito but i have to sleep early na rin kasi mahirap pumasok sa school ng puyat. Haha

Anyway, here's the update you all are rooting for! Enjoy :)

Xoxo, nerdyirel

----------------------------------------------------------------------

Chapter 5

Alex’s POV

Pagkaalis ni Sasha, nag-stay na ako sa kwarto ko.

Si Kuya Ethan kasi, matutulog na.

Pang-gabi kasi yung trabaho niya sa call center kaya natutulog siya ng ganitong oras.

Ayoko naman makipagkulitan kay Kuya Terence.

Mababaliw lang ako dun.

“Daniel….Daniel….Tsk. Kaasar. Ang daming Daniel sa buong mundo!”

Napapakamot na lang ako sa ulo ko.

Kanina pa ko andito sa harap ng computer.

Hinahanap ko yung lalake sa panaginip ko.

Gustong-gusto ko siyang mahanap.

Gusto ko siya ulit makita.

Madami akong gustong tanungin.

Gusto kong tanungin kung bakit napanaginipan ko siya bago kami magkita.

Kung bakit bumilis tibok ng puso ko nung hinawakan niya kamay ko.

Sino ba talaga siya?

“Alex----Oy ano yan?”

I immediately closed the google chrome.

Tapos inirapan ko si Kuya Terence.

“Di mo ba alam na uso yung KAKATOK MUNA BAGO PUMASOK NG KWARTO NG MAY KWARTO?”

Sumandal si Kuya sa may gilid at nginitian ako ng nakakaloko.

“Ikaw ah, bat ka nagse-search ng mga lalake sa google? Nako!!! Sasali ka siguro sa that’s my tomboy? HAHA”

(-_-)

“Corny mo. Ano bang kailangan mo kuya?”

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon