Midnight thoughts (2)

4 0 0
                                    

Ala una ng madaling araw at hindi pa din makatulog

Muling ginugulo ng isip kung may silbi pa ba sa mundo.

Buong araw nakatingala at nag hahanap ng pag sasabitan ng lubid.
Kanina pa tumatakbo sa isip kung saan ko ba gagawin?

Sinubukang gumawa ng pag kakalibangan, pero gastos lang daw.
Di ka pa nag uumpisa, di na daw agad maganda ang resulta.

Siniksik ang sarili sa sulok. Lalong nawalan ng gana.
Kung kailan ka nga naman nag uumpisang gumawa ng ikakasaya, hahadlangan pa.

Napipilitang kumausap ng tao
na parang walang problema.
Ang lumalabas lang naman sa bibig, puro walang kwenta.

Pwede na bang mag pakamatay, ngayon na?
Sawa na akong gumising sa umaga.
Wala naman na akong importanteng gagawin, pwedeng umalis na?

Ako yung mabilis mag sawa. Di ko gusto pag paulit ulit ang ginagawa.
Palaging nasa bahay, andon lang parating nakatunganga.

Yung pasensya ko lalong umiikli. Siguradong konting panahon nalang di na kayang kontrolin ang sarili.

Dark thoughtsWhere stories live. Discover now