ano nga ba?

6 0 0
                                    

Ano bang pakiramdam pag ako na ang nawala?
Naiisip ko madami yung matutuwa.

Tinigil ko na din alagaan sarili ko kasi tama na, suko na ko. Tuwing iinom ako ng limang tableta sa isang araw natutuwa ako, -- kailan kaya yung huling araw ko? Sana bangungutin nalang ako o di kaya makalimutan ko nalang huminga. Yung mabilisan sanang pag kakawala dahil ayoko na ulit mag dusa pa. "Pag bigyan nyo naman hiling ko" bulong ko parati bago matulog.

Pwede naman, tumawid nalang ako bigla sa malawak na kalsada kung saan maraming malalaking sasakyan bago sumapit ang umaga. Di ko nga lang gusto ang idea, na kulang yung parte ng katawan pag ililibing na.

Minsan nanunuod pa ko ng ibat ibang klase ng pag patay sa mga hinantungan ng bitay. May ibat ibang paraan-- injection, silya elektrika at literal na pag ka bitay . Mga sinaunang paraan, parusa sa mga gumawa ng malalaking kasalanan. Kung ayaw pa nila, sana ako nalang. Ano kayang pakiramdam?

Namatay yung nanay ko isang araw pag katapos akong ipanganak, iniisip ko sana hindi na din nya ako pinakilala sa mundong ito. Sana sinama nya na pala ako sa pag alis nya, ayaw ko na dito. Pwede bang sumunod na ako?

Baka kaya wala akong pag lagyan dahil hindi talaga ako bagay sa ibabaw, hayaan nyo na akong ibaon sa ilalim ng lupa.

Dark thoughtsWhere stories live. Discover now