midnight thoughts

6 0 0
                                    

Minsan ba naramdaman mo nalang bigla na, pagod ka na? Pagod ka sa lahat. Pagod ka kumausap ng tao, pagod ka bumangon, pagod ka sa lahat ng gagawin o dapat mong gawin, pagod ka para bukas. Pero wala kang sapat na dahilan kung bakit ka napapagod? Wala eh- pagod ka lang.

Nakakapang hina, minsan iiyak ka ng walang dahilan. Ganon ako parang kanina lang.

Parang lahat ng gagawin ko, iniisip kong wala namang patutunguhan.
Ilang beses kong binibigay yung effort sa mga ginagawa ko, pero walang nakakakita. Para kang kulay na itim . O minsan yung kamalasan sinusundan ka. Minsan kala mo okay naman ang lahat pero bigla silang susulpot at papatayin ka- ng pa unti unti. Gusto nila ikaw nalang yung kusang sumuko, papahirapan ka hanggang sa mawalan ka ng nararamdaman at makita mong nakahiwalay ka na pala sayong katawan. Tuwing gabi bago ka matulog para kang lumulutang, unti unti mong makikita yung dilim tapos maiisip mo sana doon ka nalang. Minsa'y pa nga Binabalikan mo ang nakaraan kung saan ka nag kulang, at nalaman mong kahit saan ka pumunta di ka pala babagay.

Pinipilit ko naman minsan sumaya pero ayaw nila. Kaya hininto ko na din pilitin sarili ko, si'ge wag na.

Dark thoughtsWhere stories live. Discover now