kaya nya na yan

4 0 0
                                    

Isang tao lang inaalala ko kaya di ako makaalis ng tuluyan sa mundong to.

Natatakot ako makitang masaktan sya, namatayan na sya ngayong taon ayokong maramdaman nya ulet  ngayon.

Sya pa naman yung tipong di nag papakita agad ng emosyon at madalas sinasarili lang lahat ng iniisip nya.

Di ko pa nakikitang kaya nya na mag isa. Pero di ko pa din maiwasan isipin na, hayaan mo na malaki na sya. Matatanggap nya din pag wala na ako, dahil wala na din naman sya magagawa.

Sinosoportahan naman nya ako sa gusto kong gawin, kaya pag napag desisyunan ko din na maging malaya na sa mundong to, alam kong maiintindihan nya din.

Di ko nga lang sinasabi lahat ng to sakanya, di ko kasi pinapakita yung side ko na ganito.
Ang akala nya, matapang ako. Ang akala nya kaya ko lahat. Ang akala nya okay lang ako. Maraming Akala nya.

Isa sa gumugulo sa isip ko, ano bang magiging itsura ng magiging anak ko sakanya. Ibibigay ko pa ba yung pag kakataon na ganon, o hahayaan ko na. 

May plano naman kami noon, na alam ko hanggang plano lang yon. Di ko alam kung gusto ko pa ba mag karon ng anak kasi alam kong masasaktan lang din yon.

Noon tuwing manhid na pakiramdam ko, gusto kong masaktan para naman maramdaman kong tao pa din ako . Ngayon, sasaktan ka nalang bigla ng tao para maramdaman mo na ang impyerno.

May mga pag kakataon din naman na nararamdaman kong parang wala na syang nararamdaman. O - masyado lang negatibo tong isip ko, ayaw ko din sya sisihin kasi ako lang gumagawa ng problema ko .

Siguro onti onting lumiliit na din ang ibig sabihin sakin ng pag mamahal. Parang di ko na kaya ibigay sa iba,  kasi sa sarili ko wala na ding natitira.

Dark thoughtsWhere stories live. Discover now