kwentong walang kwenta

5 0 0
                                    

Nakakatawa pa kung babalikan ko sarili ko noong nagtatrabaho.

Unang trabaho ko taong 2017 tatlong oras yung byahe mula sa bahay papuntang trabaho. Sariwa pa sa isip ko kung anong itsura ko tuwing dadating na nag hahabol ng hininga, pag kapos kasi sa pera nilalakad ko pa yung mahabang highway ng ligaya papuntang robinson metroeast . Pagod, haggard, kulang sa tulog. Pero di ako na lalate noon. Kahit gano kalakas signal ng bagyo nakakapasok ako kahit dadating akong wala ng natirang tuyo sa suot ko. Minsan nga para ka nalang robot na nag lalakad eh, wala na kong maramdaman.

Umalis din ako doon pag katapos ng isat kalahating taon.

Natupad na yung trabahong malapit para saakin.

Doon naman, napasok ako kahit day off ko. Nag oovertime. Minsan nga wala ng day off sa isang bwan.
di ako kumakain o nawawalan na ako ng gana kumain dahil sa nature at lugar ng trabaho ko.
Madalas ko na nararamdaman biglang pananakit ng sikmura ko, nag ka ulcer na pala ako.  Di ako nakakainom ng tubig,umiinom ako bago pumasok, makakainom at makakakain lang ulet pag pauwi na. Mahal ko noon trabaho ko hanggang sa nag ka pandemic nga, nag tanggalan.
Doon na bumabalik sa isip ko yung sinabi ng ka trabaho ko "kumain ka. Kasi di naman worth it yung trabaho naten, tatawanan mo nalang sarili mo pag na realize mo yan" madalas sakin yan sabhin pag pinipili ko mag trabaho muna bago  kumain. Minsan pahinga ko nalang ipapasok ko pa .
Oo nga, di pala worth it. Bat nga ba di ako nakinig agad?
Nanlambot ako ng dumating na saakin yung mensaheng kasama ako sa matatanggal.
Naisip ko lahat ng ginawa ko para sa kompanya'y wala lang pala.

Lahat ng balak at pinaplano ko ngayong taon nawala na.

Umasa man akong makakabangon din, pero pag asa wala na.

Lahat ng gusto kong gawin noon, ngayon ayoko na.

Parang yung saya, di ko na makikita.

Binabalot ka ng kung ano anong idea. Natatakot ka mag simula kasi baka ganun ulet , mabalewala.

Dark thoughtsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن