laro

2 0 0
                                    

Ang sarap bumalik sa nakaraan, yung panahong nag lalaro ka lang.

Pag napagod ka pwede ka mag taympers.
Mag papahinga lang saglit, tapos pwede kang makipag laro ulet.

Pag nag sawa ka, madali mong sabihin na ayaw mo na.

Yun nga lang, noon pa man may mga kalaro kang maduduga na.
Meron pang di ka papayagan mag taympers, kasi tatayain ka na nila. Gagawin nila lahat para maipasa na sa iba yung pagiging taya nila.
Minsan naman isasali ka lang kasi kulang sila.
May mga kalaro kang kahit ayaw mo na pipilitin ka pa. Ayawan na nga eh.

Bakit ba pag sasabihin mong ayaw mo na may kokontra pa?
Pwede bang pag umayaw ka, tapos na?

Parang ngayon, ayoko na. Sana matapos na.

Yung mga kalaro ko may sariling buhay na. Yung iba nga, pumanaw na. Bakit sila pa ang nauna? Ako kailan nga ba?

Wala na akong maisip na dahilan para mag tagal pa. Kabilang lang naman ako sa populasyon ng walang kwenta.

Dark thoughtsWhere stories live. Discover now