30 seconds to Eternity (Chapter 25- GTO(Great Teacher Ortega))

3.8K 108 37
                                    

Chapter 25- GTO(Great Teacher Ortega)

(A/N: patawa yung title..ang makakagets ng patawang ito ay may bonus..lol)

yung mga batang yun talaga..anong trip nila ngayon??? nang marinig ko si ren.. wala na ako sa sarili ko na napatakbo.. at mahirap tumakbo ng nakawedge

beep!beep!!

"SAKAY NA!!!!!"

mabilis akong sumakay sa kotse ni jerome

"SCHOOL!!!?" nasabi ko na lang para makaalis kami ahad

"anong nangyayari????"

"hindi ko din alam! tumawag si ren tapos parang nagpapanic sya at si justin-"

"ANONG NANGYARI SA KAPATID KO????!"

"HINDI KO ALAM!!!"

"bakit hindi mo sinabi sa akin????" sabi nya habang mas bumibilis kami

"nagpanic na ako syem-"

"dapat sinabi mo pa rin sa akin..nag-alala ako bigla ng bigla kang tumakbo"

"estudyante ko sila-"

"at kapatid ko ang nandun"may diin nyang sabi

"sorry" tama sya..sira ulo talaga ako..

"anong-" nasabi na lang ni jerome kaya napalingon ako at nagulat

"what the-"

nagulat ako dahil 5 itim at hindi ordinaryong kotse ang nakaharang sa may gate ng school..at lahat nang yun parang pang-mafia

shitbricks

“sa likod tayo!” sabi ko kay Jerome at yun nga ang ginawa nya.. nang makarating kami sa likod..mabilis akong bumaba at tiningnan ang pader na lagi kong inaakyat noon tapos tiningnan ko din yung wedge ko

“kaya mo ba umakyat?” tanong sa akin ni Jerome na medyo natagalan ata sa pagbaba ng kotse nya

Ngumisi lang ako sa kanya “kayang-kaya!” tapos walang pasabi na umakyat ako sa pader na sa loob ata ng apat na taon ay daan-daang beses ko na ata naakyat

Ayun nga..kahit hirap na hirap ako dahil sa wedge ko, kinaya ko naman ang umakyat at matiwasay na bumaba na hindi nababalian at tahimik na tahimik akong lumapag..ilang saglit pa ganun din si Jerome

“buti hindi ka nababalian sa ginagawa mo noon lagi” mahina nyang sabi sa akin

“sanayan lang yan”

"ako na lang ang titingin" mahina nyang sabi sa akin

"anong pinagsasabi mo?" sabi ko sa kanya

"hindi lang ito basta-basta Raffa..kita mo ba yung nasa labas?sindikato ito..delikado"

"no shit.sherlock.."sumeryoso ako ng tingin "alam ko yun..pero kailangan nila ako..you can't stop me" tapos naglakad na ako.. narinig ko syang nagmumura pero sinundan nya ako..dumerecho ako sa may storage area at kinuha ang kailangan ko

arnis

"para saan yan?"

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon