30 seconds to Eternity (Chapter 33- Mama (part 1))

3.7K 103 22
                                    

Chapter 33- Mama (part 1)

Pakonti-konti nakikita ko si James na tumatakbo palayo sa bahay.. hindi katulad ng dati na bigla sya nawawala.. para syang wala sa sarili dahil mawawala at lilitaw pero ang pinakanagpapakita sa kanya ay ang liwanag ng time-turner

At nakita ko na lang syang nawala..

Mali pala..

Tumagos sa pader..

At doon ko lang napansin..nasa tapat ako ng bahay nila..madilim ngayon doon..baka si Ninang lang ang umuwi..

Alam ko kung saan sya pumunta..

Kahit hirap..pinilit ko UMAKYAT SA PADER papunta sa kwarto ni James..hindi naman ako nagpapaka-Spiderman..pero ang EFFORT talaga ang pag-akyat sa pinasadya naming hagdan sa tapat ng bintana ni James para sa pagtakas namin noon.. hindi ko akalain na aakyat ako ngayon ditto after so many years..

Kaya after ko magpakautas na pag-akyat at talagang alam ko masusugod na naman ako sa ospital nito sa sakit ng braso ko..napasandal na lang ako sa may inuupuan ko lagi sa may bintana ni James..hingal-hingal pa na tumingin ako sa kanya

At napasinghap ako

OHMYGEE..

Para akong napako sa kinauupuan ko..

Good Griffith!

Kitang-kita sa liwanag ng buwan sa pwesto ni James ang liwanag ng time-turner na gumagawa ng ilusyon..

Isang ilusyon na gusto ko katotohanan na lang..

Na buhay na ulit sya..

Sa tagal na pinangarap ko ito.. yung Makita kosya na parang buhay na ulit.. ang pinakamasayaat napakasakit na eksena na mararamdaman ko pala

Lalo na at alam kong ilusyon lang ang lahat lalo na at kitang-kita ko kung paano tumatagos ang kamay nya sa picture nila ni Ninang..

"James" nasabi ko na lang

"Picture namin ito ni Mama noong pagkatapos ako uhmmm..tulian?"

"w-what?????"

Napatawa sya.. tawang gusto tumawa pero alam kong pilit lang "si Mama kasi..pinilit nya na magpapicture ako dahil nakapalda daw ako..minsan lang daw magdalaga ang binata nya.. ewan ko..ganun talaga si Mama..masyadong malakas ang trip..kaya siguro sila magbestfriend ni Ninang..pero kahit ganun yun..mahal na mahal ko yun.."

"alam ko" lumapit ako sa kanya at tiningnan din yung picture.. tuwang-tuwa si Ninang habang parang naiinis si James

"kung may puso ako ngayon..siguro durog na ito..kasoang masaklap.kahit hindi na natibok ang puso ko..damangdama ko padin yung sakit..yung sakit na naramdaman ko nung umiiyak si Mama noong nililibing ako..higit pa doon..

Ang sakit-sakit na yung pinakamamahal mo ay hindi pala dapat mahalin mo"

Habang sinasabi nya yun..nawawala unti-unti ang liwanag ng timeturner pero hindi ito tuluyang nawala..parang liwanag na lang ng alitaptap..

Pero sapat na yun..

"James.. kahit na hindi si Ninang ang tunay mong ina..wala namang nagbabawal sayo na mahalin mo sya"

"nasasabi mo yan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!"

"oo nga pero-"

"RAFFA!!AMPON AKO!!!hindi mo ba naiintindihan na buong-buhay kokasinungalingan ang lahat at nalaman ko lang ang katotohanan nung patay na ako!!"

"anong kasinungalingan lahat???"

"LAHAT-LAHAT!BUONG BUHAY KO KASINUNGALINGAN!!ANG SAKIT-SAKIT NA WALA PALANG TOTOO SA BUHAY NA GUSTONG-GUSTO KO MAKUHA ULIT!!!"

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon