30 seconds to Eternity (Chapter 3- The Good One)

6.4K 175 39
                                    

Chapter 3- The Good One

“DYLAN!! HINDI KA NA LUMAYAS DYAN SA HARAP NG LAPTOP MO!!HOOOOOY!!!!!!!” yan ang narinig ko umagang- este- hapon na pala mula sa tita ko.. nasa probinsya kasi ako ngayon kaya sa kanila muli ako nakikitira.. dito ako nakatira simula bata hanggang bago mag-highschool.. sa isa ko pang tita ako nakikitira  simula nung highschool hanggang grumaduate ako ng college..

At bumalik na ako muli sa lungga ko.. sa kwarto ko na naging mundo ko nasa loob ng halos 7 months na..nalabas na lang ako if necessary..at ano ba ang ginagawa ko sa kwarto?

Papaka-emo..

Hindi..biro lang yun.. gumagawa ako ng web designs para yumaman.. di nga.. yun ang ginagawa ko ngayon.. gumawa ng mga web designs tapos ibebenta ko sa mga kumpanyang gusto ng designs ko.. free lance muna pero kapag may nakita akong magandang offer o di ayun saka ako magpapahire..

Akala nyo ba madali lang yun? Hindi.. oras, pag-iisip ng unique at bagong designs, at buong effort ang kelangan kong igugol para lang sa isang web design..

Dagdag pa na wala yung mga dakila kong supporters para tulungan ako ngayon na mag-isip ng designs at ideas..

Parang noon lang

Flashback!

“AAARGGGHH!!WALA AKONG MAISIP NA PWEDE SA PROJECT NATIN SA COMPUTER!!”

“pwede ba Dy ang ingay mo” narinig kong sabi sa akin ni Raffa

“tumigil ka Raffa porke’t tapos ka na sa project natin”

“which is literally a fact at dapat tapos ka na rin kung di mo masyado dinidibdib ang project na yan”

 

“parang hindi ikaw kapag may project tayo sa Physics” biglang sabi ni James sa tabi ko na nagtetext sa kung sino man sa cp nya

Narinig kong nag-snort si Raffa “as if naman alam mong yun na lang ang dahilan para pumasa ako sa Physics.. at teka, tapos mo na ba ang assignment natin sa trigo????”

“blah-blah-blah.. tumigil ka nga dyan Buko..ang ingay mo” sabi ni James ng pabiro kay Raffa kaya naman nabato sya nito ng unan at nagkabatuhan na nga sila

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon