30 seconds to Eternity (Chapter 24-Celadon Blood)

4.4K 103 30
                                    

Chapter 24-Celadon Blood

3rd person POV

Isang medyo haggard na Jerome ang bumaba sa kotse nya at binuhat ng bridal style ang lasing na lasing na si Raffa.. naayos na nya ang sugat nito dahil pagkatapos nitong umiyak..bigla na lang ito nawalan ng malay kaya naman natawagan nya ang may ari ng restaurant para humingi ng first-aid kit at yun nga sya na ang gumamot dito tapos noon pinagpasyahan na nyang iuwi si Raffa pagkatapos nyang magbayad

at yun nga..buhat-buhat nya si Raffa tapos pinindot nya ang doorbell..ilang saglit pa marinig nya na may palapit na sa gate tapos tiningnan nya si Raffa at maingat na hinalikan sa noo at bumulong

"hindi kita iiwan gaya nya" nang masabi nya yun parang naramdaman nya na biglang mas lumamig ang paligid pero bago pa nya yun mas pag-isipan pa bumukas na ang gate

"RAFFA!!" gulat na gulat sila sa nakita nila na kalagayan ng anak nila.. kinuha agad ng ama nya si Raffa at masamang tiningnan si Jerome

"sino ka?anong nangyari sa anak ko?"

"ako po si Jerome..kaibigan ko po ang anak nyo.. nakita ko po kasi sya sa may park at malungkot kaya po niyaya ko sya kumain"

"kung kumain lang kayo..bakit ganyan ang ate ko?" sabi ni gabby na naging biglang overprotective sa kanyang kapatid

"pinainom ko sya"

"ANO????" susugurin na sana ni gabby si jerome pero pinigilan sya

 ng mama ni raffa

"bakit?"

binigyan ng tingin ni jerome si raffa..tapos ngumiti ito..isang ngiting napakalungkot sa mga nakakakita nito "napakatatag po ng anak nyo..pero masyado na pong sobra ang mga nakaraang araw.. siguro napakahirap sa kanya na kailangan nyang magpatuloy mabuhay kahit na namatay na ang pinakamamahal nya..na kailangan nyang maging normal na raffa para po hindi kayo mag-alala"

"nauunawaan ko na..salamat iho at nandyan ka pati si dylan para sa kanya" sabi ng ama ni raffa tapos dinala na nya sa bahay nila si raffa.. nakasunod dito si gabby na sinamaan ng tingin si jerome

"pasensya ka na sa ugali ng bunso ko.. protective kasi yan sa ate nya.. lalo ngayon na hindi namin maintindihan si raffa.. alalang-alala na kami sa kanya.. kapag nandito sya sa bahay.. pipilitin nya gawing normal ang lahat pero may mga beses na uuwi sya dito na ganyan.. hindi mo makausap.. pero hindi naman namin sya matanong dahil natatakot kami sa magiging reaction nya.. pero kung may mga katulad nyo ni dylan na laging nakabantay sa kanya..kampante na ako" tapos hinawakan nito ang kamay ni jerome "salamat iho"

"gagawin ko po ang lahat para sa anak nyo.."

"salamat kung ganun" tapos nagpaalam na si jerome

samantalang sa kwarto.. pagkaayos ng papa ni raffa sa kanya lumabas na ito..pagkalabas nito nagsalita si raffa

"buti pa si jerome napansin lahat ng iyon.."

"raffa.."

"shut up james..hindi ko kailangan ng awa mo.. hindi kailangan ng langit ang awa mo Lupa" tapos pinikit na ni raffa ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyanna itong nakatulog kaya hindi nito narinig ang sinabi ni james

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon