30 seconds to Eternity (Chapter 29-Checkmate)

4.3K 116 44
                                    

Chapter 29-Checkmate

Pagkatapos ng araw na iyon..bumalik kami sa normal ni James.. define normal nga lang..haha.. ewan ko ba..parang iniiwasan nya na maalala ko yung tanong nya kung huli na ba sya..

kung normal lang kasi ang lahat..e di madali ang usapan

tinupad nga pala ni Jerome yung sinabi nya.. hatid-sundo with matching bigay pa ng mga bagay..

oo..nanliligaw na sya sa akin..

at halos maloka si Mama ng marinig yun..

ewan ko yung reaction nya ay maganda o hindi..basta noong bigla na lang pumasok sa bahay si Jerome ng isang madaling-araw at may dala na pang-almusal namin at inannounce sa amin este sa kanila pala na nililigawan na nya ako FINALLY.. na-shock si Mama na mismong yung kinakain nyang toast ay nalaglag pa tapos tiningnan nya ako ng 'ano-pinagsasabi-nito?' look tapos ng matauhan..ayun.. bigla na lang niyaya kumain si Jerome at ininterview

at doon nga nya nalaman na may 'dinner/meet-the-parents' ako sa mga Mendoza at ayon halos hilain na ako kahapon dahil free time namin yun para lang bumili ng damit na maisusuot..kesho daw kailangan magmukha akong maayos sa harap ng mga future in-laws ko..

dapak.. oa talaga si Mama..

Tapos si Papa naman..ayun..tumango na lang sa amin pero kahapon naman ng umaga biglang hinila si Jerome habang tinutulungan ko si Mama sa mga pinggan at pagbalik nila..ayun..parang hindi maipinta ang mukha ni Jerome..si Papa talaga..

At si Gabby??ayun.. hindi nagsasalita pero nahuhuli kong masama kung makatingin kay Jerome.. kaya naman kinompronta ko at alam nyo ba ang sabi

"mas gusto ko si Kuya James"

Na ikinangisi naman ng kasama ko na para atang nalaki ang ulo na hindi ko maintindihan..

Nga pala...Sabado na ngayon..umaga pa lang..at mamaya nga yung BIG NIGHT quoted from Mama..

So ano nangyari after noon sa buhay ko maliban sa pagiging constant na ni Jerome? Ayun, okay pa din ako sa klase..maliban sa mga babae ng 4-Obedience na kung makatingin lagi sa akin kaya nila ako sindakin..gusto ata nila concealer na lang halos ang mukha nila sa pasa na ibibigay ko sa kanila.. syempre Joke lang yun..baka mawalan ako ng trabaho.. pero seryoso?pasalamat sila madami akong iniisip kaya hindi ko sila nalilinginan..yung dinner, sina Dy.. etong si James at higit sa lahat..yung misyon nya..

Speaking of mission.. magkasama nga pala kami ni James ngayon sa kwarto..the usual..kaya lang ang pagkakaiba..maliban sa nakapantulog lang ako ngayon..nag-almusal lang at nag-toothbrush tapos umakyat nasa kwarto para ano?

Para maglaro ng Chess kay James..

oo.. as in..MAGLARO NG CHESS KALABAN SI JAMES..

siguro nagulat din kayo gaya ko ng bigla syang magyaya ng Chess..kahit din naman ako..kaso noong sinabi nya yun ng seryoso e di no choice..nakipaglaban ako ng chess.. ako ang itim..sya ang puti..

gaya ng dati kapag nakikipaglaban ako sa kanya..

actually..isa ito sa pang-alis naming ng inis ni James kapag nabwibwisit kami sa isa't isa o nabobore kami o kung gusto lang naming mag-isip..maglalaro lang kami ng Chess.. walang time limit..kung kelan gusto tumira ng isa saka lang titira.. no pressure.. tanda ko nga noon sa sobrang tagal ng laro namin ni James..sa kanila na ako nakitulog..at hindi ako magtataka kung ganito din ang laban naming ngayon kahit na ang laki na nang pinagbago ng lahat..

at nga pala..sya ang nagbigay ng Harry Potter Sorcerer's Stone Final Challenge Chess Set na ito sa akin.. eto kasi yung last nyang bigay na Christmas gift sa akin..

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon