30 seconds to Eternity (Chapter 23- Sky and Earth)

4.4K 116 36
                                    

Chapter 23- Sky and Earth

normal POV

ayoko na.. ayoko na umiyak..ayoko na masaktan.. at ayoko na ng ganito ang lahat.. nakakainis na talaga.. paulit-ulit.. parang sirang plaka na may luma at natalbog na tugtugin.. ganun ang nararamdaman ko habang naglalakad sa kung saan man man abutin ng mga paa ko.. nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ko dala ang baby ko.. e di sana madali lang ang buhay ko at magdadrive lang ako hanggang sa kaya ko..pero dangang hindi.. e di wag na lang maging choosy

hapon na ngayon..at sana hinihiling ko na gabi na lang para mas madali itago kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.. alam ko nasa tabi ko sya pero ayoko yun iacknowledge..

gusto ko na umiyak..paksyet na sakit ang nararamdaman ko.. yung tipong pumapatay at hindi nag-iiwan ng bakas..

sinong hindi iiyak sa sitwasyon na parang naglolokohan lang kayong lahat dahil ang babaeng mahal ng mahal mo ay sinasabi na ikaw ang mahal pero sya mismo ang halos ibuga sayo ang katotohanang hindi ka nya mahal..

paksyet naman oh..di nya kailangan pagsigawan yun lalo na at alam nyong dalawa na ikaw lang ang makakarinig ng masaklap na katotohanan na yun..ang hirap maging manhid kung tumatagos na ang sakit

napalingon ako sa paligid ko.. nasa park ako..oo.. yung park na saksi ng isa sa madramang parte ngayon ng buhay ko at eto ako WASTED..

umupo ako sa isang bench at tumingala sa langit.. nagdadrama kahit sayang sa outfit..wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako o mukha akong sira ulo..basta trip ko lang tumingin sa langit baka sakaling hindi na tumulo ang mga luha na gusto iparamdam sa akin kung gaano na ako nasasaktan.. nasasaktan ako pero hindi ako mahina..

"may maganda ba sa langit ngayon?"

"maganda naman talaga ang langit..kaso lagi lang natin naooverlook"

naramdaman ko na umupo sya pero hindi ko sya tiningnan.. "yung mga bagay na kadalasan na lagi mong nakikita..kahit gaano yun kaganda..yun ang kadalasan ang hindi mo makita..saka mo na lang yun maappreciate kapag alam mo na wala na"

nilingon ko sya ng marinig ko yun "kung ganun..sana mawala na lang ako..baka dun nya ako makita"

"pero may mga tao naman na hindi mo na kailangang mawala para mapansin ka..dahil nakikita ka nila higit sa inaakala mo..gaya ko"

napangiti ako dun "alam mo.. kung hindi lang ako nagdadrama..kinilig na ako sa sinabi mo

jerome"

nakita ko syang medyo namula at natatawa na hindi "sana kinilig ka na lang"

"sira..ayteka..bakit ka nandito?"

"may binili lang ako sa tapat pero nakita kita dito kaya eto sinamahan lang kita sa pagtingin mo sa langit"

ngumiti ako sa kanya.. "buti na lang nakita mo ako para atleast hindi ako mukhang ewan dito mag-isa"

hindi sya sumagot tapos tumingin sya sa langit kaya napatingin na lang din ako ulit "bakit ka nagdadrama?"

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon