Sophie's POV
KJ: Sino ba talagang nagcheck ng papel ko?!
Haha! Kawawang bata. Finals kasi namin ngayon. Tapos, nagcheck kami ng papers. Nagkataon po na sakin napunta yung papel niya. Inuulit ko, nagkataon lang. Kinuha ko nga yun ng nakatalikod yung papel niya eh. Nagulat ako nung makita ko yung pangalan niya sa papel. Ang laki nga ng ngiti ni Red dito eh. Destiny ba? Siguro XDD
At ngayon, hinahanap niya yung nagcheck nung papel niya. Nagkakagulo na nga dito sa room eh. Lahat sila hinahanap kung sino nagcheck ng papel nila. Ako? Hindi na ako nag abalang hanapin. Tinatamad ako eh XDD
At malakas ang trip ko ngayon. Haha! Mapagtripan nga tong si De Luna XD
Sophie: (whisper) Tara na Red. Mamaya pa naman yung next exam natin.
Red: (nod)Palabas na kami sa pintuan nung sumigaw ulit si De Luna,
KJ: Ano ba?! Sino ba ang nagcheck nung paper ko?!
Sophie:(secretly laughing) Ako!
KJ:(tumingin kay Sophie) Ikaw? Ilan ako?
Sophie:(whisper) Fifty eight.
KJ: Ilan?!
Sophie: (laugh) (whispering) Fifty eight.
KJ:(irritated) Ano?!
Sophie:(shouted) Fifty eight!
KJ:(nagulat) Fifty eight ako?
Sophie:(nod)Ang epic niya. Haha! Ang taas kasi ng confidence na papasa siya eh. Seventy kasi ang pasado samin over one hundred. Ganun talaga samin. Ang hirap nga eh:/
Nasa labas na kami ni Red ng may pumigil samin,
Pau: Red! Sophie! Samahan niyo ko sa Admission. Kukuha ako ng permit para sa Math.
Tumango naman kami. Buti nalang ako, nakakuha na. Haha! Mahirap makipagsabayan sa mga tao dun noh. Maglalakad na sana kami ng may pumigil na naman samin. Eh, wag na kaya kami lumakad? -_-
KJ: Pau!
Pau: Ano?!
KJ: Samahan mo ko sa Department, may itatanong ako kay Sir. Sandali lang.
Pau: O sige.Sumunod nalang kami ni Red sa dalawa. Haha! Itatanong niya siguro yung tungkol sa remedial. Pag kasi hindi ka nakapasa, magreremedial ka.
Nakarating na kami sa Department. Kinakausap nila Pau si Sir, si Red busy sa cellphone. Habang ako, binabasa yung mga announcement sa bulletin tungkol sa enrollment. At ilang minutes, natapos din yung interrogation ng mga toh.
Pau: Tara na. (yaya niya samin ni Red)
KJ: Saan ka pupunta?
Pau: Sa Admission. Kukuha ako ng permit.
KJ: Sama ako.Err.. Sasama daw siya. Medyo awkward sa side ko. Wag na kaya naming samahan si Pau? Tutal, sasamahan naman siya ni De Luna.
Sophie: Pau, sasama pa ba kami? Andyan naman si De Luna eh. Siya n--
Pau: Hindi. Samahan niyo ko.Edi no choice, sumama parin kami. Ano ba tong si Pau oh >_< Pasalamat sila at natatawa ako kasi ang clingy ni De Luna kay Pau habang si Pau, naiirita kay De Luna.
KJ: Pau, lilipat ka na talaga? (sad face)
Pau: Oo. Nagsasawa na ako sa mukha mo XD
KJ: Mamimiss kita. Saan ka ba lilipat? Paano kita pupuntahan?Opo. Lilipat na nga po si Pau:( Ang sad lang. Wala ng manlilibre sakin ng pamasahe XD Seriously, mamimiss ko talaga tong babae na toh. Yung mga usapang love life namin. Haha!
Pau:(naiirita) Ayan si Sophie oh! Alam niya dun. Magpasama ka sa kanya!
Natahimik ako dun. Mukhang si De Luna din, natahimik. Eto naman kasing si Pau eh -_-
![](https://img.wattpad.com/cover/24969233-288-k875103.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
I Crush You, Seatmate
Ficção AdolescenteYung seatmate ko, magaling maglaro ng basketball yun. Galing magsteal ng bola. Galing din magnakaw ng milktea. Di ko inaasahan na pati ang puso ko, makukuha niya rin ♥