Milktea 1

75 3 0
                                    

Sophie's POV

Red: Thursday na pala! Aga ng uwian natin ngayon. Katuwa lang.

Buti pa siya natutuwa. Nakakatuwa naman kasi talaga. Last subject na namin ngayon. And unfortunately, Math ang last subject namin. At favorite ko yung subject na yun. Pati nga yung prof ehh *note the sarcasm*

Kaya nga ako nag Psychology kasi hindi ko iniiwasan yung Math. Hindi masaya ang buhay ko pag walang Math. *sarcasm again*

Seriously sabi ng Ina ko, marunong ka lang magbasa, magsulat at bumilang, mabubuhay ka na. So anong inaarte ng Math ngayon at pinapasolve niya lahat ng problema niya sa mga inosenteng tao? Problema niya yan kaya dapat siya ang magsolve mag isa. Hindi yung nandadamay pa. Tapos lagi rin hinahanap yung value ng X. PESTE! Hindi ba alam ng Math na yan yung salitang MOVE ON?! Pakituruan nga please?

Ehem! Anyways, My name is Sophialenne Dimaapi. Utang na loob! Wag niyo ng pagtawanan yang last name ko. Di ko rin ginusto yan! Di ko alam kung talagang ayaw lang magpaapi ng mga ninuno ko o sadyang nagkaubusan na ng apelyido nung nag auction nung panahon ng mga Kastila kaya no choice na sila.

Pasensiya na at marami lang talaga akong pinaglalaban. Political Science talaga dapat kukunin ko ehh. Kaso nakakatamad maging sinungaling kaya Psychology nalang. Ok na yun. Di naman na ako mababaliw dahil matagal na akong ganun. Anyway, you can call me Sophie. Wag lang talaga yung Surname ko kung ayaw mong magkagulo tayo.

Red: Hoy iha, ba't nakasimangot ka jan? Last subject na natin toh noh. Dapat masaya ka.

Sophie: Masaya ako noh. Di lang halata.

Red: Ay! Kasi Math nga pala yung last. Haha! Ok lang yan friend. Tiis tiis muna. Kailangan sa buhay yan ehh.

Susme! Kailan ko pa naging kailangan ang X sa buhay ko? -_-

Red: Tara na nga at baka malate pa tayo. Sobrang BAIT pa naman ng Prof natin.

At hinila na niya po ako sa kabilang room. Maiingay lang naman yung mga kablockmates namin. Paano, maaga kasi yung dismissal. Nagpapalamig nalang. May thirty minutes pa naman bago yung next subject. Sadya lang atang excited tong si Red pumasok sa Math.

Anyways, meet Redge Garcia or Red for short. Oo. Red. As in Pula. Super madaldal at madaming alam sa buhay (Peace tayo Pula! ^_^V) Pero masayang kasama. Love expert din kaya madaming alam pagdating sa LOVE! At cute daw siya. Hay. Di niya ba alam na pang mga puppies at babies or little things lang yung compliment na yun? Sabagay. Maliit naman siya kaya siguro cute siya XDD Haha! Joke lang! Baka awayin ako. Siya lang ang nakasundo ko sa buong block namin. Naiilang kasi ako sa iba. Si Red naman, kalog at mas baliw pa sakin. Malawak din ang IMAHINASYON niyan kaya masaya talagang kasama. Pero hindi po siya ang best friend ko. Best buddy kami:)

Yung best friend ko? Nandun sa kabilang mundo. Haha! Joke! Magkahiwalay yung school na pinasukan namin. Di kasi ako pinayagan ni Ama na pumasok sa school na pinasukan niya. Actually, mas malapit dun ang bahay namin kesa dito. Gusto lang ata nina Ama na mapalayo ako ng konti sa kanila.

Anyway, her name's Czarmaeve Arrollado. Nickname niya is Czar.

Isa ring baliw baliw at bully. Haha! I remember something about bullying. Haha! Best friend ko siya since Second year. Mahal ako niyan, promise! XDD Haha! Basta, makikita, I mean,  mababasa niyo nalang kung paano yan mambully.

Red : Ano kayang gagawin natin sa Math?

Sophie: Ewan. Manenermon si Ma'am o kaya discussion.

Unti-unting dumating yung mga kablockmates namin. I wonder kung sino yung seatmate ko na si De Luna. May ideya na kaya siya sa ugali ni Ma'am? Haha! Sure na lagot siya. Sasabihin din kaya ni Ma'am yung sinabi niya sakin nung Tuesday?

Classmate1: Hoy! Upuan ko yan! Dun ka sa upuan mo!

Classmate2: Ha? May seating arrangement ba? Saan yung upuan ko?

Classmate1: Dun sa second row. Cutting pa more!

Madami silang nagcutting nun ehh. Siguro inaasahan nilang walang Prof. Well, sorry sila.

At dumating na ang pinakaiintay ng lahat. Dumating na yung Prof namin. Tapos prayer. Then, pinaupo na kami. Bago nagsimula yung lesson, syempre nagalit muna siya XDD Naramdaman ko na may tumabi sakin. Siguro eto na yung Seatmate ko. Tinignan ko siya. Ok. Matangkad, maganda yung built ng katawan, may itsura. Ok.

Habang sinesermunan ni Ma'am yung kasama niyang nagcutting, tawa siya ng tawa. Wala kasing upuan yung mga kasama niya. Maswerte lang siya na meron siya. Ang saya niya ehh. Napangisi ako nung maalala ko yung ginawa namin sa Math last time. Matuwa pa kaya toh pag nalaman niyang may namiss siya na isang quiz?

Nung pinaupo na yung mga nasermunan, pinamigay na ni Ma'am yung mga papers namin. Wag niyo ng asahan na mataas yun. Kasing ganda yun ng buhok ni Julia Montes. Bagsak. Pagkatanggap ko nung papel, tinignan ko lang. Hindi na ako nag abala na tignan kung may correction dahil alam kong wala.

De Luna: Classmate, ano yan?

Me: Ahm, quiz nung last meeting.

De Luna: Pwedeng patignan?

Binigay ko naman. Bigla tuloy ako nahiya sa score ko. SO WHAT?! Ehh tanga ako pagdating sa Math ihh. Kaya nga ayoko ng subject na yan.

Di ko na siya tinignan at nagpakabusy nalang ako sa paglabas ng binder at ball pen. Maya-maya, ibinalik niya na sakin. Tinago ko sa bag yung papel.

De Luna: Ma'am, wala po bang special quiz?

Ma'am: Naorient ko na kayo jan. Hindi ako nagbibigay ng special quiz. Ang pwede niyo lang ipalit sa quiz niyo ay presentation. Kukuha kayo ng topic sakin para makapagpresent kayo.

No choice sila kundi ang magpresent. Gusto kong tawanan tong katabi ko. Tawa tawa ka kanina. Ngayon, magpresent ka. Haha! Sobrang dali lang ng Math ehh. Sobrang dali XDD ________________________________________

Home Sweet Home! Tapos narin ang isang araw kong kalbaryo sa Math. At dahil maaga akong nakauwi, pwede akong magbawi ng tulog.

Pero bago ako matulog, Facebook muna tayo.

And as usual, walang bago sa notif. Pero may isang friend request dun.

Kevin James De Luna wants to be friends with you.

Accept             Not now

Sino toh? Eto ba yung Seatmate ko? De Luna ehh. Baka nga siya. Paano niya nalaman pangalan ko? Kanina nga, Classmate pa tawag sakin. Siguro dahil common friend sa mga kablockmates namin.

Dahil hindi naman ako chix. Lalong hindi ako pabebe. At mas lalong di ako peymus, inaccept ko na:)

I Crush You, SeatmateWhere stories live. Discover now