Milktea 5

43 2 0
                                    

Sophie's POV

Light Rail Transit. Kadalasan, madaming tao sa station kaya madalas maraming nag aaway dito. Pero no choice, eto lang ang pinakamadaling sakyan papuntang school.

Anyways, yan na naman ako. May pinaglalaban. Sorry na! Malungkot lang ako. Bakit? Di ko alam eh. Baliw lang ako? Siguro nga. Pero kulang lang din siguro sa tulog XD Pero isa lang ang alam ko ngayon, may bago ngayon. At di ko alam kung ano yun.

Pagkadating sa station na bababaan ko, bumaba na ako. Malamang. Alanganin naman na sumakay ako diba? Hehe! Corny ko.

At tulala akong pumasok sa school. Haha! Tulalabells ako ngayon. Pagpasok ko sa room, disappointed ako na walang Red sa paligid. Nasaan na kaya yung babae na yun? Di ko naman matext kasi wala akong load. Hay. Papasok naman siguro yung babae na yun diba?

Prof: Tumayo at magdasal.

Susmeyo! Nandito na yung prof namin pero wala parin siya. Ah. Late lang siguro.

Pasalamat yung babae na yun at hindi naglesson si Sir. Anong ginagawa namin? Wala. Nag attendance lang kami. Ang boring ng walang kausap.

Tumingin nalang ako sa harap. Nakita ko na nakaupo dun si De Luna sa upuan ko tuwing General Psychology. Anong ginagawa nito dito? Oh well. Pake ko naman?

_________________________________________

Red: Ginagawa niya yun dati pa. Kahit na wala naman siyang ginagawa dito sa row natin.

Opo. Nandito po si Red. Nalate po siya. At wala naman kaming prof sa Gen Psy. May meeting daw. So party party na naman. At yun na nga nag gigitara na naman sila.

Maiba tayo. Ganun na ba talaga ako kawalang pake sa paligid ko para di mapansin yung mga pinaggagagawa ni De Luna? Siguro iniisip ko na normal lang yung mga pinaggagagawa niya. At iniisip ko rin siguro na malabo din naman magkaroon ng paghanga yung mga toh sakin. Especially my seatmate.

Napalingon ako sa likuran kung saan nandun si De Luna na naggigitara. Yay! Napatago ako kay Red. Di ko alam kung feeler lang o talagang nakatingin siya sakin. Grabe! Kinabahan ako ah. Para kasing nahuli niya ako na nakatingin sa kanya.

Ace: Sophie, Red.(smile)

Pansin ko lang ah. Biglang close tong si Ace samin. Dati naman di toh namamansin. Ah siguro nagpapalakas toh sakin para kay Czar. Ayiie! Kiligin ka naman Czar XD

Red: Hi Ace!

Sophie: Hey! :)

Ace: Pwedeng makijoin sa inyo?

Sophie&Red: Sure:)

At nagstart na po siyang magkwento. More on mga highschool days niya. Yung mga naachieve niya. Nagkakatinginan na nga lang kami ni Red eh. Talaga bang nagpapalakas siya samin?

At hindi rin nagtagal, nagtanong siya about kay Czar. Yung mga favorites etc. Ehem! Lam na ba this?  XD

Ace: Ahm, Sophie kahapon ko pa sana hihingin yung number ni Min- este ni Czar eh. Kaso hinatak ako ni Kev. Pwede ko bang makuha number niya?

Sophie: Ah, wait lang. Text ko lang siya:)

To: Czarmaeve:)

Bhe! May humihingi ng digits mo. Ibibigay ko ah.

From: Czarmaeve:)

Da who? At talagang walang tanong tanong ng kung pwede ah XD

To: Czarmaeve:)

Basta. Suprise toh:D

Sophie: Payag na. Eto number niya..

Nagthank you siya samin tapos bumalik na siya sa upuan niya. Nandyan na kasi yung Prof namin eh. And as usual, nag attendance lang siya and lumayas na. Sana ganyan nalang lahat ng prof noh? XD

Lumayas kami agad ni Red. Ano pa bang gagawin namin dun diba? Alanganin namang magpakafrozen kami dun. Kaninang umaga pa kami sa loob at sobrang lamig na ng kamay ko XD

???: Red!

Guess it! Haha! Sobrang dali lang naman hulaan eh. At yun na nga, nilingon namin siya. Haha! Si Red yung tinawag pero lumingon din ako XD Walang basagan.

Red: Oh Aki. Bakit?

Aki: Diba may assignment tayo sa..

Layo na ba ako? Haha! Siguro nga. Baka makaistorbo ako. Tutal naman mukhang si Red nga lang ang kakausapin niya.

Lumayo na nga ako ng konti. Pinagmasdan ko yung quadrangle. Is it me o talagang nakatingin siya sakin kanina? Baka naman imagination ko yun? O talagang feeler lang ako? Pero bakit ganun yung reaction ko kanina? Makapagreact ako parang akong nahuling nakatingin sa kanya. Siguro feeler lang talaga. Ay ewan!

Red: Tara na. San tayo?

Sophie: Frappe please?

Red: Oh-kaay!

Lumakad na nga kaming papunta sa kabilang canteen. May tatlong canteen kasi dito sa school. Madalas kami dun sa canteen namin sa building namin. Pero dahil mas trip ko ang frappe ngayon, lipat building kami ngayon XD

Sophie: So, anong tinanong sayo ni Aki?

Red: Wala. Yung assignment lang.

Sophie: Eh ba't sayo tinanong?

Red: E-ewan ko.

Sophie: Ayiie! Haha! Lam na this!!

Pagkarating namin sa canteen, syempre bili ng frappe diba? I supah love and hart Mocha Frappe XD

Lumabas na agad kami pagkatapos. Nakakatamad kayang tumambay dito XD

Pabalik na kami sa building namin ng makasalubong namin yung tropa ni De Luna. Bakit may feeling ako na gusto kong umatras o lumiko o kayang dumaan sa ibang daan? In short, bakit gusto ko silang iwasan? Bakit ko gustong iwasan si De Luna?

Pero di rin naman namin sila iniwasan. In fact, sinalubong namin sila.

KJ: Sinong may sabi na ubusin niyo yung favorite ko?

Pabirong sinuntok ko siya sa mukha. Nakaiwas naman siya. Ako lang po ata yung kinakausap niya. Kausap kasi ni Red yung mga kasama niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad pabalik sa building namin.

Red: Kita mo?

Oo na Pula. Oo na. Pero di parin ako makapaniwala.

_________________________________________

Uwian na. Heto ako sa Tricycle at tulala. Muntanga lang ako noh?

Red's fault! Napapansin ko kasi kanina sa isa naming subject nung ako yung prayer leader. Napansin ko na parang may hinahanap siya sa harap. Muntanga rin siya promise! Tapos last subject, bigla nalang nasa likuran ko nalang siya. Could it be? Impossible! Para sakin imposible eh.

Stephen: Oh kapatid! Tulala ka jan?

Sophie: Wala. Trip ko lang.

Stephen Dimaapi. Baby Brother ko. One year lang ang gap ko sa kanya. Sinasabi ko sa inyo, pasaway yan. Masamang kaaway dahil taekwondo player. At mahirap pong magkaroon ng kapatid na taekwondo player. Ikaw ang maswerteng sasamplelan niyan XD

Stephen: Sabi nga pala ni Mom, linisin mo daw yung--

Sophie: Later Phen.

At umakyat na ako. Wala akong masyadng ginawa pero feeling ko, pagod na pagod ako.

I realize na hindi ako pagod physically, pagod ako sa kakaisip tungkol sa pinagsasasabi ni Red. Hay.

I Crush You, SeatmateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant