Milktea 6

48 1 0
                                    

Sophie's POV

Tuesday na naman. Hay. Ang aga na naman ng pasok ko. Sa katunayan nga niyan, nasa walkway na ako papuntang school eh. F na f ang earphones XD Wag kayong magulo! Gumagawa ako ng music video ngayon XDD

Pero yung totoo niyan, naiinis ako sa sarili ko. Bakit? Pano ba naman kasi, I can't stop thinking about my seatmate. At naiinis ako. Di naman ako ganito eh. Pake ko naman dun diba? Stupid me -__-

Napansin ko yung black shoes na nakasabay sa paghakbang ko. Nakayuko kasi ako habang naglalakad.

De Luna…

Shoot! Stupid! Stupid! Ba't naman magiging si De Luna yan? Hindi ba pwedeng nakasabay lang talaga na schoolmate? Hay nako Sophie! Tigilan mo na nga yang kakaisip kay De Luna. Atsaka hindi ka nun makikilala. Bago hairstyle mo ngayon diba?

Hindi ko na pinansin yung sapatos at inenjoy yung kanta sa earphones ko. Naalala ko na naman yung sinandalan-- Stop! Ayoko na! Wag mo siyang isipin please?

Nagulat ako ng may biglang bumangga sakin. Sigurado ako na kung sino man yung may-ari ng sapatos na yun, siya may kagagawan nun. Napatingala ako. At nagulat ako ng malaman ko kung sino yung may sala.

Kevin James De Luna…

At nakatingin din po siya sakin. Bakit parang nakangiti siya? At paano niya nalaman na ako toh? Siguro nakasabay na kami kanina sa entrance di ko lang siya napansin.

Sophie: Problema mo?
KJ: Wala.

No choice kung hindi sabay kami. Kaso naisip ko na dumaan muna sa simbahan. Dadaan din kaya siya? Ah basta. Dumaan na rin ako. Napansin ko na parang sumunod din siya. Ok. Saktong madaming tao sa simbahan.

Lord, ano yun? Sa dami-daming tao na pwede kong makasabay, bakit siya pa? Pwede naman pong iba ah. Sign po ba toh? If yes, para saan? Why now Lord? Sobrang confuse po ako. Please enlighten me.

Naglakad na ako palabas ng simbahan. Di ko alam kung nakasunod pa siya. Dumiretso na rin ako sa building namin. Kaya niya na yun.

_________________________________________

Red: Huy babae! Tulalabells ka jan?
Sophie: Nakasabay ko siya.
Red: Ha? Sino?
Classmate: Red, Sophie, kayo kumuha ng dissecting pan ah.

Tumango kami at kinuha yung form. Mamaya ko na nga lang ikukwento kay Red.

Papunta kami sa may Dispensing ng makita namin na makakasalubong namin si De Luna. At dahil dun, nagkagulo ang buong sistema ko.

Peste ka Sophialenne! Kumalma ka!!

Nagkunwari nalang ako na binabasa ko yung form. Kahit na wala naman interesado dito. Narinig ko na siya na kumakanta. Napatingin na ako sa kanya. Bigla niyang hinawakan yung balikat ko at nilagpasan kami. Napatingin ako kay Red. Nakangiti po siya. Tumuloy nalang kami sa dispensing.

Ako nalang yung pumila sa dispensing. Tutal, nakita ko si Aki na nilapitan si Red. Hayaan niyo muna silang mapag isa XD

Classmate: Ahm, sino yung babae na yun?
Red: Si Sophie yan.

Napalingon ako. Napangiti sakin yung nagtanong. Sabay sabi,

Classmate: Di kita nakilala. Ngayon lang kitang nakitang nakaheadband:)

I Crush You, SeatmateWhere stories live. Discover now