Milktea 7

44 2 1
                                    

Sophie's POV

Three hours vacant. Ang saya nito promise! At dahil mahaba nga ang vacant namin, karamihan sa mga classmates namin eh nasa SM. Pero meron naman nagdecide na sulitin nalang yung binabayad nilang aircon dito sa room. At isa na kami dun. Haha! Para narin hindi kami malate ni Red sa last subject. Medyo boring dito. Hindi kaya pupunta si Czar? XD

When I see your smile, tears run down my face …

Opo. Nagjajamming na naman po sila. Pero this time, si Red na yung naggigitara. Opo, talented na bata po si Red. Pero kanino nga bang gitara ang gamit ni Red? Syempre kay Aki. Parehas po silang magaling maggitara. Soulmate lang? Ayiie! Siguro nga XD

Anyways, nasa tabi ko si Red. Nasa tabi rin namin si Ace na kumakanta. Aba! Akalain niyo yun? May lahi palang singer tong si Ace! XD

Iilan lang kami dito sa classroom. Nandito yung tropahan nina De Luna. Busy sila sa paggawa ng assignment para sa last subject namin. Buti nalang tapos na ako jan kaya Zombie Tsunami nalang ang pinagkakaabalahan ko. Pero may lahi ata sila ng pagiging multitasking at nakakaya nilang kumanta habang nagsusulat. Haha! Ang cute lang nila. Yung tipong seryoso sa pagsusulat tapos kumakanta sila. Ang cute talaga ni-- Nothing!

Ehem, at nangingibabaw ang boses ni Aki sa pagkanta. Haha! Lam na na talaga this?! XD

Please don't walk away and please tell me you'll STAY!

Nagulat ako nung sinigaw nila yung 'stay'. Opo. Sinigaw nila. At rinig na rinig ko yung boses ni Aki. Haha! Leader XD Nagkatinginan kami ni Red at tumawa. Pero patuloy parin siya sa paggitara.

Yung mga sumunod na lyrics, hindi na nila kinakanta. Sinisigaw na nila ng may tono. Ayos diba? Ano kayang trip nila?

Nung matapos na yung kanta, tumahimik na yung classroom. Wow. Parang walang nangyari? XD Yung dalawang katabi ko naman, patuloy parin sa pagkanta. Hindi ko alam yung kinakanta nila. Kaya siguro tumahimik na yung mga kaklase namin kasi hindi rin nila alam yung kanta. Haha! Buti naman at ng matahimik ang classroom.

Hindi na pala si Red ang guitarist kundi si Ace. Asus! Sila na talented -__-  Nice one Czarmaeve! ^_^

Busy ako sa paglalaro ng Zombie Tsunami ng mapansin kong may tao sa likod ni Red. Hulaan niyo kung sino. XD Hindi po si De Luna kundi si Sachi. Si Akihiro Sachi. Pinagmamasdan niya sina Red at Ace. Ayiie! Haha! Takte lang! Para akong nasa Wattpad XD

Pasimple kong siniko si Red tapos pasimple kong tinuro si Aki na nasa likuran niya. Lumingon naman siya. Haha! Syempre gulat siya. Haha! Ay teka! Naglalaro nga pala ako ng Zombie Tsunami!! Shoot!

Wala na!! Nalaglag na lahat ng zombies ~T_T~ Hay. Lesson for today: Ipause muna yung nilalaro bago makichismis -_- Oh well, atleast nasaksihan ko yung love life ni Red XD

At silang tatlo na yung kumakanta. Geez! OP na talaga ako. Hilahin ko kaya si Ace para makapagmoment yung dalawa? Kaso si Ace nga pala yung guitarist. Zombie Tsunami na nga lang ulit.

_________________________________________

Red: CR muna tayo.
Sophie: Wait lang. Alam kong may pipigil na naman satin eh.
Red: Ha? Sino naman?
Sophie: Basta. One minute lang tapos CR na tayo.

Uwian na namin. Alam niyo naman yung nangyayari tuwing lalabas kami ng pintuan diba? Kaya yan, nagdecide na ako na antayin kung sino kina Ace at Aki ang tatawag samin ni Red. Kaso mukhang wala naman kaya inaya ko na si Red. Paakyat na kami ng hagdan ng,

???: Dimaapi!

Ay peste! Tinignan ko kung sino yung tumawag sakin. Kailangan ko pa bang ipahula sa inyo kung sino yung tumawag sakin? Obvious naman yung sagot eh. Sino bang tao ang malakas ang loob na tawagin ako sa surname ko?

I Crush You, SeatmateWhere stories live. Discover now