Milktea 12

33 1 0
                                    

Sophie's POV

Mom: Sophialenne! Bumangon ka na jan!!!

At bumangon na ako. Grabe tong ulo ko. Ang sakit -_- Pano, nagpuyat kakagawa ng project sa Math. Hindi na nga ako nakapasok ngayon for first subject eh. Hay buhay.

Sophie: Dad, aalis kayo?
Dad: Ahm, oo. Pupunta kami ng Subic. Sama ka? Ay. Too bad, may pasok ka nga pala.

Subic?! Waah! Gusto kong sumama! Ewan ko ba. Isa rin siguro si KJ sa dahilan kung bakit ayokong pumasok. Ayoko nga makita yung pagmumukha niya ngayon. Bakit? Hindi ko rin alam. Siguro, nakakahurt lang talagang isipin na may ibang mahal ang crush mo.

Pasahan nga pala ng project ngayon sa Algebra *facepalm* Pero, nandyan naman si Red right? Hihi! Ang brilliant ko talaga! XD

Sophie: Magpapasa lang naman ako ng project eh! Sandali lang yun Dad!
Dad: Bahala ka. Basta bilisan mo para maabutan mo kami.

Yehet! Sabi ko sa inyo eh! Ako ang favorite ni Dad saming apat. Ay! Hindi ko ba namention na pangalawa ako? Ganito kasi yun, Ate ko si Sara. Oo. Yung tagabalat ng patatas XD Joke! Tapos ako yung sumunod sa kanya. Tapos si Stephen na peste. Bunso namin si Stephanie. Yan. Makikilala niyo rin sila sa takdamg panahon.

Ay! Mamaya na nga lang yang daldal na toh. Gayak gayak din pag may time XD

________________________________________

To: Red:)

Red, pwedeng pakiantay ako dun sa gate? Please?

Sent!

Opo. Ipupush ko na iwasan ngayon si KJ. Bakit? Trip ko lang. May papalag? Joke lang. Kasi baka mafall pa ako edi hurt hurt na talaga. Prevention is better than cure noh. Tama nga ba? XD

Anyways, bakit ba pahento hento tong LRT? Ang bagal tuloy -_- At nakakangawit tumayo ah. Ilang station pa? Six nalang naman pala. Pero sa sobrang bagal nito, malamang na abutan ako ng Pasko dito -_-

And after 1000000 years, haha! Ako na maganda este OA pala. Anyways, nandito na ako sa walkway at rumarampa. Haha! Joke lang. Natanggap kaya ni Red yung text ko? Sana oo. Ayoko ng umakyat dun noh.

Pagkadating ko sa gate, wala si Red. Hay. No choice! Pumasok na ako at dumiretso sa room. Pagkapasok ko, nakita ko si Red. Busy sa Project. Tumingin ako sa likod. No De Luna. Buti naman.

Sophie: Natanggap mo yung text ko?
Red: Oo. Inantay kita kanina pero ang tagal mo naman. Kaya umakyat na ako.
Sophie: Ang bagal kasi ng LRT eh. Dre, pwedeng ikaw na magpasa nito? May pupuntahan kami ih.
Red: Saan kayo pupunta?
Sophie:(inaayos yung project) Subic. Sama ka?
Red: Sama ako!
Sophie: Kung pwede lang eh. Haha!

At pinipilit parin ako ni Red na isama siya. Haha! Last paper na yung inaayos ko ng makita kong pumasok si De Luna with Aki. Inilabas ko na yung panuhol ko kay Red na Buko Pandan. Alam ko naman na depress parin toh. Kaya pinagdala ko.

Sophie: (sinukbit ang bag) Pakipasa nalang ah! Bye!

At tumakbo ako palabas. Natatawa ako sa sarili ko. Ay may nakalimutan ako. Balik!

Sophie: Ibalik mo yan sa Monday! Este bukas. Babu!

At nagmadali na kong lumabas ng school.

Calling Ate Sara..

Sophie: Hello Ate?

_________________________________________

Red's POV

Classmate: Nasaan si Sophie?
Red: Baka late lang. Di naman siguro aabsent yun dahil may quiz tayo.

Babaing yun ! Nasaan na kaya yun? Kanina pa ko tinatanong ng mga kaklase namin kung nasaan siya. Bruha yun pag hindi pumasok -_-

Makagawa na nga lang ng project dito. Medyo hindi pa kasi tapos eh. Hehe! Nagawa na kaya toh ni Sophie?

From: Sophie Dimaapi

Red, pwedeng pakiantay ako dun sa gate? Please?

Baka nandun na yun sa gate. Pinuntahan ko naman. Pero walang Sophie dito. Pero antayin ko muna. After five minutes, umakyat na ko. Baka pinagtitripan lang ako ng babaing yun. Makagawa na nga lang ng project.

Sophie: Natanggap mo yung text ko?

Oh! Nandito na pala siya. Buti naman para naman hindi na nagtatanong tong mga klasmeyt namin.

Red: Oo. Inantay kita kanina pero ang tagal mo naman. Kaya umakyat na ako.
Sophie: Ang bagal kasi ng LRT eh. Dre, pwedeng ikaw na magpasa nito? May pupuntahan kami ih.
Red: Saan kayo pupunta?
Sophie:(inaayos yung project) Subic. Sama ka?

Aba! Iiwan ako ng babaing toh?! Hindi manlang ako isasama -_- Hay nako!!

Red: Sama ako!
Sophie: Kung pwede lang eh. Haha!

Ang daya-daya nito. Tumatawa pa siya habang inaayos yung project niya. Nung tapos niya ng ayusin, may kinuha siya sa bag niya tapos pinatong niya sa desk ko. Buko Pandan!! Yum! Pagtingin ko sa kanya, sinukbit niya na yung bag niya. Aalis na toh agad?! Eh may quiz kami ngayon!

Sophie: Pakipasa nalang ah. Bye! (takbo palabas ng room)
Red: Hoy Sophie! Bumalik ka ditong bruha ka!!!

Baliw talaga yun -_- Hindi kaya nakakabaliw tong binigay niya sakin XD Joke!

Classmate: Bakit umalis si Sophie?
Red: Ewan ko dun -_-
Sophie: (sumilip sa pinto) Ibalik mo nga pala yan sa Monday ah? Ay bukas pala! Babu!(umalis)

Ambot sa imo day! Nakakabuang ka -_- Tapusin ko na nga lang tong project na toh.

Maya-maya, may lumapit samin at umupo sa katabi kong upuan. Si De Luna pala. Ano naman problema nito?

KJ: Di ba nandito si Dimaapi kanina? Asan siya?
Red: Iniwan ako. Hindi na ako mahal -_-

At mukhang wala na siyang pake pagkatapos ko sabihin yun, nagfocus na siya sa sinusulat. Project din ata niya yun. Akala ko tapos na siya dun.

Ting! *lightbulb*

Dahil iniwan ako ni Sophie, gaganti ako *evil grin* Masaya toh para may thrill bukas pagpasok nun XD

Red: (tumayo) De Luna.

No Reaction ang peg ng lalaki na toh. Naku! Pasalamat toh at pagtitripan ko si Sophie -_-

Red: De Luna, ikaw nalang magpasa ng project ni Sophie. Tutal naman katabi mo yun. (sabay lahad ng folder)

At tumingin naman siya sakin na parang nagtataka tapos parang ewan.

KJ: So-Dimaapi?
Red: Oo. Si Dimaapi.

Walang sabi sabi na kinuha niya yung folder sakin. At binuksan niya yung folder at parang may binabasa dun. Tumango-tango siya. Edi iniwan ko nalang. Mukha namang ok lang sa kanya eh. WHAHA! Take that Sophie!

I Crush You, SeatmateWhere stories live. Discover now