Chapter 47: Closer

5.7K 155 48
                                    

Yenn's POV


"Awardees, get ready!"

Dahil sa narinig ko ay umayos naman sa pila ang mga kasama ko. Umayos na rin naman ako ng tayo at chineck ko ulit ang uniform ko kung maayos. Syempre, kahit papaano, gusto ko mukha naman akong matino pag-akyat ng stage 'no. Kahit hindi naman matino 'tong school namin, dala-dala ko pa rin naman ang mga bagay na natutunan ko sa Pilipinas.

Recognition namin ngayon. Oo, ibigsabihin, last day na ng school year na 'to. Sa susunod na taon ay 1st year college na dapat kami, pero dahil stuck kaming lahat dito sa The Underworld ay magrerepeat lang kami ng Grade 12 pagkatapos nito.

Maya-maya lang din ay nagsimula na ang programa. May iilang parents na pumunta, ngunit karamihan ng students ay walang kasama katulad ko. Malamang, hindi ko nga lubos maimagine na aattend dito ang proud parents kung ang award naman ng anak nila ay Top 1 sa kasamaan.

Well, that's not entirely true. Based pa rin naman kasi sa academics ang school year-end rankings. Though, may special awards din para sa mga magagaling na clan at iba pa.

Sinimulang tawagin sa stage ang mga Special Awardees ng bawat year. Dahil may special award ako ay naghanda na ako.

"And the 'New Devil Award' goes to... Yenn Denise Cerventez of 12 - Invisible."

Umakyat ako sa stage at nagpalakpakan naman ang mga tao. Oo, sa akin nga ang award na ito. Nagulat na lang ako nang sinabi sa'kin ang balitang 'to. Ako raw ang pinili ng mga stupidents. Like duh, sumisipsip lang siguro ang mga 'yon sa'kin pagkatapos ng mga nangyari.

Sinabitan ako ng medal na bronze skull at may naka-ukit na New Devil Award. Pagkatapos ko makipagkamay kay Hades na may mask ay bumalik na ako sa upuan na naka-assign sa akin. Sakin din binigay ang 'Clearing Soloist of the Year.' Maya-maya ay pinatayo na rin ang mga Academic Awardees. Since kasali ulit ako ay tumayo na naman ako.

"Park, Jae Ho. Rank 5." Umakyat naman sa stage ang nasa harap kong si Jaeho. Pagkatapos niya ay ako na. Rank 4 ako. Madami rin naman palang marurunong dito kahit papaano kaya may mas magaling pa sa akin.

Now that I know that, maybe I should start taking this school more seriously next year. I'm GU's smartest gangster, after all. Kahihiyan sa'kin kung hindi ako mag Rank 1 dito sa academics.

Pag-akyat ko ay binigyan na naman ako ng medalya. Then of course, picture taking. Bumalik ako sa upuan ko pagkatapos non ngunit nanatili akong nakatayo dahil ang bilin sa amin ay hindi kami uupo hangga't hindi pa nakakabalik sa upuan ang Rank 1.

"Sasazawa, Hiroshima. Rank 2." Umakyat naman sa stage ang isang hapon na lalaking una ko lang nakita noong recognition practice.

"And this year's rank 1, still the Underworld Prince, Escudero, Andrio Xyril."

Umakyat naman si Xyril sa stage suot ang kanyang kilalang ngisi. Halos mabingi naman ako sa malakas na palakpakan at tilian. Ang lakas talaga ng kupal na 'to. Habang nandoon siya ay nakangisi siyang nakatingin sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Niyayabangan ba ako nito?

Napansin niya naman ang pagtataray ko at bigla siyang tumawa. Nawirduhan naman sa kanya si Hades at tumingin sa gawi kung saan nakatingin si Xyril.

Pagkabalik ni Xyril sa pwesto niya ay sabay-sabay kaming nagbow at umupo. Marami pang speech pagkatapos non at wala naman akong balak makinig. Nakatulala na nga lang yata ako roon.

"Congrats, Denise." Nilingon ko si Jaeho na may kalahating ngiti.

Ewan ko ba rito. Ayaw niya raw ng Yenn kaya Denise na ang tinatawag sa akin. "Thanks Jae," sabi ko na lang at bumalik na naman sa pagiging tulala.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon