Chapter 46: Chase & Cheesy

4.4K 148 42
                                    

Warning: SPG (Sexual & Language)



Andrio Xyril Escudero's POV


"Axe!" narinig kong sigaw ni Josh habang tumatakbo palapit sa'kin. I gave him a high five before I started talking.

"Yo, dude. Ano, dala mo na?"

Ngumiti naman siya nang malapad at saka inabot sa'kin ang isang nakarolyong poster. "As you wish"

Hindi ko naman napigilang mapangiti nang tinignan ko ang pinagawa. "Nice, nice. Salamat pre, mauna na ako. Aayusin ko pa 'to," I grinned.

"Sure," natatawa niyang sagot. "Iba talaga nagagawa kapag in love, 'no? Wala ba akong bayad sa paggawa nyan?" pang-aasar niya.

Gago. Napailing na lang ako at saka inangat ang gitnang daliri ko sa parehong kamay. "O, standing ovation from my middle fingers."

"Ulol," tawa niya. "Asikasuhin mo na nga 'yan!"

Taena, 'di ko mapigilang ngumiti. Just thinking about the look on her face when she sees this excites me. Oddly enough. Hindi pa nga ako sumabay sa entrance ng The Royals para lang magawa 'to.

Nilabas ko ang mga pictures namin ni Yenn na pinrint ko kagabi at isa-isa itong idinikit sa bulletin board hanggang mapuno ito. Kinuha ko ang poster na pinagawa ko kay Josh. Medyo natawa pa ako nang binasa ko ang kakornihan kong nakasulat sa poster na 'yon.

Maybe I'm fucking crazy. I don't even know why I'm doing this. Bakit nga ba?

Nilagay ko sa gitna ang poster na 'yon at noong kuntento na akong pantay ito ay lumayo ako ng kaunti para makita ang kabuuan ng board. Doon ko napansin na ang dami na palang babae ang nanonood sa akin habang ginagawa ko 'to.

I smirked. I don't care kung ano mang isipin nila. I just want Yenn to talk to me again.

"Girls.." I started to call their attention. Tumingin naman silang lahat sa akin. "Can you find Yenn Cerventez for me?" I said as I flashed my killer smile. Hindi ko na hinintay pa ang reaction nila. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad habang nakapamulsa.

I just hope Yenn will finally show herself to me once she sees the board. Gusto ko na kasi siyang makausap at marami akong tanong. Hindi ko alam kung may nagawa akong masama o ano para hindi siya magpakita sa'kin. May nagawa ba ako? As far as I know, I just did what I needed and wanted to do. To tell her what I feel.

Ilang araw na niya akong hindi pinapansin and it's driving me crazy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at iisipin. I have never been this paranoid. Ngayon lang. Tsk.

Habang nasa klase ay hindi ako mapakali. I kept tapping my fingers on my desk. Did she see the board already? Anong reaksyon niya? Will she see me after class? Fucking shit. Nababaliw na ako.

Nang natapos ang klase ay tumayo ako kaagad at lumabas to get updates from those fangirls. Saktong paglabas ko ay may naghihintay pala sa aking tatlong babae. Nandito yata 'tong mga 'to para sabihin kung nakita na ni Yenn.

Lumapit ang isa na pulang-pula ang mukha at parang nahihiya pa.

"P-prince Axe..." simula nito at lalo pang namula.

I impatiently looked at her. Ano na? Wala akong oras para sa pamumula mo. Sabihin mo na lang kung nakita na ni Yenn o ano.

Calm the fuck down, Xyril. Chill lang.

"U-uhm..."

Huminga ako nang malalim at sinubukang habaan ang pasensya ko.

"U-uhm, eh... I... I-i..."

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon