Chapter 38: Hopper

5K 125 42
                                    

Yenn's POV


Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Xyril sa akin habang tinatahak namin ang daan papasok sa The Underworld.

Ramdam ko rin ang masasamang titig sa'kin ng mga stupidong babae rito. Kung nakamamatay lang ang mga tingin nila, malamang kanina pa ako pinaglalamayan. Tss!

"Slutty nerd!"

"The heck? Why is that nerd with the Royals?!"

"Haven't you heard?! Prince Xyril asked her to date him!"

"For real?! Yuck!"

"I bet 100 bucks, he'll dump her next week!"

"Nah! I'm betting my favorite luxury bag, he'll dump her tomorrow!"

"I bet all my cars, he's gonna dump that nerd later!"

Tsk! Mga bwisit 'to. Kasalanan ko bang bigla akong sinama ng palakang 'to?! Hindi ko nga alam na kasabay niya pala tuwing umaga ang clan niya.

Sa kanilang lima ay nasa gitna si Xyril, ako naman ay nasa tabi niya. Nasa bandang kanan ng likod ko si Misty, at nasa bandang kanan naman ng likod niya si Jaeho. Sa kaliwang likod naman ni Xyril ay si Rikumi, at sa kaliwang likod ng Hadessy na ito ay si Philip. Kung titignan, we're walking in an inverted V arrangement.

Tss. Bakit nga ba ako kasama rito? Hindi naman ako makaalis dahil ang higpit ng pagkakahawak sa'kin ng palakang 'to.

Baka akalain pa ng mga tao, feel na feel kong sumabay sa The Royals. Excuse me lang 'no! Dadami lang ang magtatanong sa'kin ng kung ano-ano. Langya!

Biglang lumiko pakaliwa si Xyril na ikinagulat ng mga kagrupo niya. Syempre, dahil hawak ako ng prinsipe, napasama rin ako.

"What the fuck, Axe? Where are you going?" naiiritang tanong ni Rikumi nang mapansing umiba ng daan si Xyril.

Axe? Hmm. 'Yon nga pala ang codename ng palaka. Hindi na ako magtataka kung saan niya napulot ang pangalang 'yon. Malamang, sa initials ng pangalan niyang Andrio Xyril Escudero.

"I'm just gonna take my girl to her classroom," he smirked.

Lalo namang nairita si Rikumi. "Is this about that rumor?"

"It's not a rumor, Rik. I'm really dating her," nakangiti pa ring tugon ni Xyril.

Umirap si Rikumi. Tanda niyo pa ba siya? Siya 'yong Hadessy o parang Student Council President ng paaralang ito. Iyong sumalubong sa'kin nung first day. Oo! Iyong maarte! Tsk.

"But what about the clan meeting? I told you, Hades wants us to be there at exactly 8:30 AM. That's important, Axe," sabi ni Rikumi habang seryosong tinitignan si Xyril. Akalain niyong marunong palang magseryoso ang babaeng 'to? Akala ko puro kaartehan lang ang alam eh, pfft.

"Don't worry, sweety. I'll be back in minutes," kindat naman ni Xyril kay Rikumi.

Lumiwanag bigla ang mukha ni Rikumi. Hmm, dahil tinawag siyang sweety ni Xyril? Obviously, she likes the frog prince.

Kay landi talaga ng palakang 'to!

Tumingin sa akin si Rikumi at tinaasan ako ng kilay saka siya ngumisi. Napatunayan niya sigurong hindi seryoso sa akin si Xyril kaya nagpapakabitch siya sa akin ngayon.

Hah! News flash, Rikumi! Hindi ko gusto ang palakang 'to. Kahit inggitin at inisin mo pa ako sa tingin na 'yan ay hindi mo ako maaasar. Duh! Sa'yong sa'yo na, dumb bitch.

"Right! Don't be so KJ, Rikumi. Let Axe do his boyfriend duties for his new chic!" Natatawang sabi nung Philip saka ito kumindat sa'kin. Ew!

Natawa na lang si Xyril at hinila na ulit ako paalis doon. Hmm, ito nga ang daan papunta sa building namin.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon