Chapter 25: Red Paper

5.2K 102 17
                                    

Warning: SPG (Language)



Nasha's POV


Hi. Nasaan ako? Hell.

Yeah, I'm in hell.

Matatawag naman nating impyerno ang school na 'to, hindi ba?

Buti na lang at uwian na. Makalalayas na ako rito. Paglabas ko ng building, natanaw ko kaagad sina Jian sa plaza. With hands in my pockets, I walked towards them.

"Yo, Nash!" apir sa'kin ni Jillianne.

"Sup, Vru?" ani Jian.

"Where's Rianne? Hindi kayo sabay?" Julia suddenly asked.

Napataas naman ako ng kilay. What?

"Natulog sa inyo, right?" I said as a matter of fact.

"Uh, yeah? Pero hindi siya sumabay sa amin kanina kasi may kukunin daw muna siya sa inyo. Oh, nevermind, akala ko kasi'y kasama mo," she shrugged.

"Hindi siya pumasok?" tanong ko.

"Ha? Dunno. Hindi ko pa siya nakikit—NASH!"

Oh hell no. I ran as fast as I could to my big bike and started driving.

Shit, Rianne! Hindi ka naman siguro sobrang tanga para gawin 'yon, 'no? Damn. Sana mali ang naiisip ko. Binilisan ko pa lalo ang takbo ng motor ko. Kailangan kong makapunta roon before it's too late.

After a few more minutes, nakarating din ako sa tapat ng itim at mataas na gate ng isa pang impyerno. Ang Grayrails High. I looked at my wrist watch. I arrived sooner than I expected. But shit, kahit anong bilis ko, sa tingin ko ay huli na. Masama talaga ang kutob ko rito.

Nakita ko si Kio na prenteng nakapamulsa habang palabas ng gate. Aba, pacool pa 'tong gagong 'to.

"Hey," I called when he passed by me.

Lumingon naman siya. "Oh... Nash."

"Don't 'Nash' me like we're besties. Where's Rianne?!" kinwelyuhan ko siya.

"She's... inside," walang emosyong sabi nito.

"At pinabayaan mo naman?! Anong kagaguhan na naman ang ginawa mo?!"

"Chill ka—"

"CHILL?! How could I chill when my twin is probably in danger right now dahil sa boyfriend niyang walang kwenta?! Tell me, how?!"

"Fine! Nasa loob siya't umiiyak! Walang mangyayaring masama roon dahil may nangyari na kanina pa. Nababoy na siya. Huli ka na. Kaya pwede ba, marami pa akong gaga—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang lumanding ang kamao ko sa mukha niya.

"EH PUTANGINA MO PALA EH! Mahal na mahal ka ng kambal ko ta's ikaw, hinahayaan mo lang siya?! At nababoy? Nababoy?! Puta! Pagkababae na niya 'yan tapos wala lang sa'yo? Eh putangina mo naman pala talaga! Una pa lang dapat hindi ko na hinayaan na maging kayo, eh! Fuck you, asshole!" Tinadtad ko siya ng maraming suntok.

Hindi gumaganti ang gago. Nakaupo lang siya habang tinatanggap ang mga suntok ko. Tama lang 'yan. Sisiguraduhin kong manghihiram 'to ng mukha sa aso. Napakatarantado.

Nang makuntento ako, tumayo ako nang maayos at nagpagpag ng sarili. I need to see Rianne. Nakakaapat na hakbang pa lang ako paalis nang humabol siya ng mga salita.

"Siguro naman ngayon patas na? Nababoy siya, nabugbog ako. Quits na. Sige, ako na walang kwenta, ako na pinakatarantado, wala akong pakialam." Curse him. Halata sa boses niyang nang-iinis pa siya.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon