Chapter 53: Clues

3.8K 138 21
                                    

Yenn's POV


Pagpasok ko sa barko ay kaagad may humarang sa akin na guard, "where to?"

"Spracel," I answered. Pagkasagot ko nito ay walang sabi niya akong pinapasok. Medyo narinig ko pa ang usapan nila noong sumunod sa akin.

"Where to?"

"Uhm, obviously, isn't this ship sailing to China?"

"Yes, ma'am, please go that way."

I bet, tinuro ito ng gwardya sa ibang barko. Kaunting hakbang pa lang ang nagagawa ko nang may counter na naman. Dito ko pinakita ang gold Zeus card ko para magbayad.

I didn't have any difficulty finding my seat upon entering. Still, my thoughts were flying around my head, and I didn't know what to think first. Sa sobrang dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay hindi ko na sigurado kung totoo pa ba ang lahat ng ito.

Nagsimulang umandar ang barko nang wala pa rin ako sa katinuan. Kanina pa nga ako tulala na feeling ko nawiwirduhan na sa akin ang katabi ko.

Nilabas ko sa bag ko ang isang litrato. Ito talaga ang pinakaunang picture namin ng palakang 'yon. Sa photobooth during my first Dead Festival. I could still remember every detail that happened. This picture was taken on my real birthday. Sa araw din na ito unang nagpahiwatig si Xyril ng nararamdaman niya at pakiramdam ko kahit hindi niya alam na birthday ko noong araw na 'yon eh sobra pa rin niya akong napasaya.

I smiled a sad one. This picture was taken exactly one year and a day ago.

It's crazy how time flies so fast. Sinong mag-aakalang ako pala ang matagal nang pinapapatay ng mokong na 'yon?

Sa kakaisip, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang naramdaman kong tumayo na ang katabi ko. I'm finally here again.

I fixed myself and went straight to the exit. Wala naman akong baggage so wala akong problema. Paglabas, kaunting pagcheck lamang ng bag at passport tapos nakalabas na ako sa port.

***

Next day, November 15, pumasok kaagad ako sa school, and I was not oblivious to all the stares I was getting since my first step. At first, hindi ko alam kung bakit nila ako tinitignan. Mas nakakapagtaka pa na hindi hatred ang makikita sa mga mata nila kundi confusion, shock, and amazement.

Then I realized it's because of my hair and the absence of my glasses. Oh, let them know I'm Young Demonise. I don't care anymore.

Naubos ang mga oras na nililibot ko ang mga mata ko hoping to spot someone I miss, pero ang nakikita ko lang ay mga tingin na natatanggap ko mula sa iba. Some of them looked like they wanted to approach me and confirm something but were too scared to do it. Well, that was until Josh appeared on my table noong break.

"Damn it! Sinasabi ko na nga ba!" Hinampas niya pa ang mesa sa sobrang excited niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "ano?"

"Ikaw si Dem! Putangina talaga, kaya pala parehong pareho kayo ng mga mata tapos 'yong deadly kick!" amazed na amazed pa rin siya.

"Kailangan magmura?" I asked.

"Well, yes. I can't contain my feels!" he chuckled. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya, "pwede papicture? Fan mo kaya ako."

"Are you serious?" I asked in disbelief. Wow ha, magpapapicture pa talaga siya. "No," sagot ko sa tanong niya. Well, unless you can tell me where Xyril is.

"Aw, damot. Sige na nga next time na lang," sabi niya at tumayo na saka ako nilagpasan.

"Joke, cheeese!" sabi nito nang biglang kinurot ang kaliwang pisngi ko mula sa likod ko and just like that, may selfie na kami.

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon