Chapter 7: Meet My Husband!

10.8K 129 19
                                    

Jenni’s POV

It’s not good for you and our baby’s health.

Kanina pa ako dito sa sala namin palakad-lakad. Hindi ako mapakali.

It’s not good for you and our baby’s health.

Hala! Bakit di pa umuuwi si Aqui? Masyado atang harsh ang nasabi ko sa kaniya kahapon. Kasi naman eh! Bakit nga ba? Gusto ko lang naman siyang maka-usap ng maayos eh. Eh bakit ko nga ba siya tinarayan?

It’s not good for you and our baby’s health.

Tinignan ko ang oras. Past eleven na wala pa rin siya. Oh Aqui, where art thou? Nag-aalala na talaga ako. Kasi naman eh, baka pagalitan ako ni daddy kung may mangyaring masama sa kaniya. Teka, bakit nga ba siya ang iniisip ko? Siyempre, asawa ko siya eh. Masama bang mag-alala ang gorgeous wife sa kanyang handsome husband? Mali! Iniisip ko siya kasi... di ko alam.

It’s not good for you and our baby’s health.

Will you stop playing on repeat? Kahapon ka pa sa utak ko ah!

It’s not good for you and OUR baby’s health.

 

ANO BAAA!? Why are there butterflies in my stomach? Kasi naman kung maka-OUR ka AQUI eh! Anak mo? Anak mo? Kaw ba nakabuntis sakin? Sana nga ikaw diba? Ano ba yun!

  

MY MIND IS SO WEIRD! And for the record, naloloka na talaga ako. Pag ako nabaliw kasalanan mo to Aqui. Kasalanan mo.

Kasala... speaking of. Dumating na. Hindi ata ako napansin kasi dere-derecho siyang pumasok sa guest room. Spell  snob. A-Q-U-I. Natulog kaya siya? Ba’t di pa siya lumalabas? Hindi ba siya manananghalian?

After years of waiting in vain, arte lang? Di, mga 30 mins lang ata. Lumabas na din siya. Ay? Ayaw talaga mamansin? Derecho parin kasi siya palabas.  Iniiwasan ba niya ako? Masyado ba talaga siyang nagalit sa sinabi ko kahapon? Hindi ko naman sinasadya eh!

“Aqui...” bulong ko. Narinig kaya niya? Feel ko hindi. Hingang malalim. Batiin ko lang siya. Pero palabas na siya. Lingon ka bilis! Ayaw mo?

“And where were you last night? Hindi ka man lang umuwi. At ngayon aalis ka nanaman? Aba, sinuswerte ka ata ah!” hala! Saan nanggaling yun? Sa akin ba? I didn’t mean na magsuplada.

Lumingon siyaaaa! Hala! Baka nagalit. Huwag naman sana. Kaya mo bang magalit sa kagandahan ko? Pero, why do you look exhausted my dear husband?

What the H is happening to me? And for the record, the last time I checked hindi ako ganito kalandi! Ayokong isipin na epekto ito ng pagbubuntis. Kasi walang connection.

“I’m sorry at di ako nakauwi kagabi. Something happened. Sorry if I made you worry. I’m going to school. I’m still studying if you don’t already know and I have a class to attend to later. And... babawi nalang ako sayo some other time. Promise,” sagot niya sabay alis.

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon