Chapter 16: She's Back!

8.2K 93 20
                                    

Aqui’s POV

 

What a day! As far as maintenance is concerned, walang problema sa Castle Plaza. Magagaling ang mga engineers and technicians na nagtatrabaho doon.

Pero ewan ko ba, napapagod ako hindi sa pagtatrabaho kundi sa pabalik-balik sa mga floors. Ang nakakainis e yung tipo na kahit wala namang problema, kahit wala namang aayusin, papupuntahin ka. Tsaka lalo na pag tenant ang nag-request, kailangan mo talagang pumunta. Tapos pagpunta mo doon aalukin ka lang mag-kape. Okay lang naman sana kaso working hours yun e! Tsaka naalala ko yung sabi ni Milo sa akin dati. Asking someone for coffee always leads to... you know, yun. Kaya tumatanggi ako.

+++

 

4:00 PM

Nag-aayos na kami ni Milo ng gamit namin. Pagkatapos naming magbihis, nag-paalam ako kay Milo na pupuntahan ko lang si Jenni para magpaalam. Tsaka to check on her na rin. Buti napaki-usapan ko kanina si Cam na tulungan siya.

Pagdating sa office niya, di ako kumatok, nakita ko na nasa kalahati na yung mga documents sa table niya. At siya, tutok na tutok sa ginagawa niya. Naku naman! Nagpapakaworkaholic. Di ba niya inaalala ang baby namin? Tsk.

“Magpahinga ka na kaya muna?” napaangat siya ng tingin sakin. Tinaasan lang niya ako ng kilay tapos bumalik nanaman siya sa ginagawa niya. Lumapit na ako sa kaniya at umupo sa tabi niya – squat position.

“Jenni, wag ka naman masyado workaholic. Alam mo namang makakasama sayo yan diba?” mahinahon kong sabi.

“Aqui, kaya ko to,” pagmamatigas niya.

“Alam kong kaya mo. Ang sa akin lang, inaalala ko ang health mo. Sabi ko nga kanina, dalawa na kayo ang inaalagaan mo. Ayokong magkaroon ka ng complications sa pagbubuntis mo.”

Nagbuntong hininga siya.

“Fine. Dahil sa makulit ka, sige na po. Wag ka pong mag-alala, di po ako masyadong magpapaka-stress dito. Tapusin ko nalang po ito saka uuwi na po ako.”

I gave her a smile. Ang ruffled her hair.

“Ano ba? For the record ang ganda-ganda ng hair ko tapos guguluhin mo. Sige na, tapusin ko nalang to. May pasok ka pa diba?” she said with a smile. Sigh. That smile.

“Yep! Sige Jenni. I’ll be going na,” I stood up kissed her cheek and went on ahead.

Sa baba, naabutan ko si Milo na naghihintay. Naglakad lang kami papuntang sakayan ng jeep para tipid. May mga nakakasalubong kami na nagpapapicture samin. Tsss. Di naman kami mga artista a! Ang OA naman nila. Kainis. Pero si Milo, ayun. Ngiti ng ngiti. Ewan ko ba sa unggoy na to. Ang hilig mag-entertain ng tao pero nung inalok kami na mag-model tumanggi din.

Pagkadating ng school guess what? Tantaran! Zel is waiting for us. Haixt. Kung hindi ko lang nararamdaman na may gusto sakin to okay lang sakin e. Oy! Di ako assuming ha. Alam ko lang talaga kung may nagkakagusto sakin. Isa yun sa inherited gift ko mula sa mga magulang ko – good sense of perception.

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon