Chapter 36: Reunited

5.9K 99 15
                                    

Aqui’s POV

Time heals all wounds sabi nila. Lani Lakampucha. Pwede bang magbigay sila ng exact timeframe kung kelan mangyayari yun?

It’s almost a month pero hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang sakit sa puso ko. Hanggang ngayon mahal ko pa rin si Jenni. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na tapos na ang lahat sa amin.

“Aqui, k-kung… kung indi mo gusto okay lang,” pukaw ni Heidi sa ulirat ko.

Subtitle: Aqui, k-kung… kung ayaw mo talaga okay lang.

(Translated version of conversation)

 

“Nah. Tara na,” sagot ko.

 

“S-salamat talaga sa pagsama ha!”

 

“Wala yun.”

 

Tahimik kaming bumiyahe papuntang mall. I don’t feel like talking and mukha namang ganun din si Heidi. Many times she glanced at me pero hanggang dun lang. Haixt. Kahit na magkasama kami ni Heidi, I always caught myself thinking of Jenni... of Shielica. This past month? It’s pure torture.

Sa mga nagdaang araw, I tried na makausap si Jenni. I even went to Castle Plaza, nagmakaawa sa mga tao doon makausap ko lang si Jenni. But to no avail. I never got the chance to talk with her or to even see her. Siguro nga masaya siya ngayon sa piling ni Markus. Edi sila na masaya. Ponyemas.

Lani Lakampucha. Nakakagago isiping matapos siyang iwan ni Markus, pwede pa rin silang maging ganito? That man might have a really good tongue – and hands. Shemay.

Mukhang hindi na rin nakikipagkita si Milo kay Cameila kaya wala rin siyang magawa. I tried to send messages and called Jenni pero it seems she changed her number. Sinubukan ko ring pumunta sa bahay nila pero laging walang tao. Or rather walang gustong mag-entertain sakin. Putspa halos masiraan na ako ng bait. Tangina lang kasi. Ang gago ko e!

“Aqui… Aqui!” Isang mahinang tapik sa balikat mula kay Heidi ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

 

“Ah, b-bakit? Ano yun?” Napalingon ako sa kaniya.

 

“H-Hindi ka naman nakikinig eh!” sabi niya na hinaluan ng tawa. Pero alam ko, sa kabila noon, ng pilit niyang tawa, nasasaktan din siya.

 

“S-sorry,” mahina kong tugon.

Umiling siya na parang binabalewala ang nangyari. “Wala yun! Di mo kailangan mag-sorry.”

 

“So, ano? Saan tayo?” tanong ko.

 

“Uhm, Try muna natin sa Dep store,” sabi niya.

 

“Ok.”

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon