Chapter 20: Tug of War

7.1K 84 17
                                    

A/N:

Pasensya pasensya... kung natagalan... ang UD... hehe... eto na... sana matuwa kayo... ^_^

========================================================================================================================


Aqui’s POV

 

Sa wakas tapos na din ang first term. Enrolment week na. Itong week lang din ang term break namin. Astig no? One week lang ang termbreak tapos kasabay pa ng enrolment. I remember dati pag ganitong panahon nagkukumahog na ako kung saan ako maghahagilap ng pambayad. Di kasi implemented ang academic scholarship kaya di ko rin nagagamit ang grades ko. Pinagpapasalamat ko na member ako ng school publication kaya naman kahit papaano ay nababawasan ng fifty percent ang tuition ko. Kelangan ko nalang punan yung miscellaneous fees at ang natitirang fifty percent ng tuition ko.

(Subtitle version of conversation)

 

“Pards, anong oras ka pala pupunta sa school bukas?” tanong ni Milo.

Kakatapos lang ng shift namin. Bukas kasi ang scheduled enrolment ng course namin. Naglalakad kami ngayon papuntang locker area.

 “Mga 8 am siguro nasa school na ako,” sagot ko.

 

“Ah, sige. Tama para maaga tayong makatapos.”

 

“Sana di mahaba ang pila no?”

 

“Di yan. Maaga tayo e”

 

“Sabagay, sige pard. Kita nalang tayo bukas. Sunduin ko lang si Jenni.”

 

“Sige pards. Bukas nalang.”

 

“Ingat!”

 

“Kayo din.”

 

Dumerecho na ako sa office ni Jenni. Tumango ako sa secretary niya. Nag-kindat-kagat-labi naman yung secretary sakin. Napangiti nalang ako at napailing at pumasok na sa office ni Jenni.

“Sige na kasi besh. Try mong magpa-facial,” boses ni Cameila na nagmumula sa powder room. Nag-reretouch siguro sila ni Jenni. Hindi ako nagsalita. Umupo nalang ako couch. Kumuha nalang ako ng babasahin pero naririnig ko pa rin ang usapan nila.

“Besh, alam mo namang ayaw kong ma-facial diba? Parang kadiri kasi,” sagot naman ni Jenni.

“Hay nako besh. Sabi mo lang yan. Once na matry mo malamang uulit-ulitin mo nang ma-facial. Ansarap kaya sa feeling na kinakalat sa mukha mo yun,” pangungumbinsi si Cam.

“Yun na nga besh eh. Diba parang anlagkit nun sa mukha? Tapos medyo malapot pa.”

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon