5

361 38 0
                                    

Nilapag na ni Mama ang ulam at saka kami nag simulang kumain.

"Okay baby Ai, maglead ka na muna ng prayer" sabi ni Mama habang nakatingin kay bunso, si Airo kasi lagi ang nagdarasal, kapag may ginawa kaming kalokohan ni Kuya, kami ang pinagdadasal ni Mama, para mabawasan daw 'yung kasalanan namin.

"In the name of the father, of the son, of the holy spirit, amen" ginawa ko ang sign of the cross "Lord thank you for wonderful day that you gave to us, to see this beautiful nature of yours, Papa God, thank you for the foods that we have in our table everyday. Thank you to the forgiveness you always gave to us when we have a mistakes. Please take care of us and carry out in danger. Thank you for the love po Papa god amen" see? My little brother is more good using english than me. Joke try ko lang, ang pangit pala. Nakakanosebleed.

Nag simula na kaming kumain, hindi talaga maiiwasan ang hindi mag kwentuhan.

"Noon ngang ten years old pa lang si Aji, nagpapasama pa sa 'kin 'yan umihi sa likod ng bahay dahil natatakot daw siya, baka may biglang sumulpot na multo sa harap niya!" Tumatawang saad ni Mama.

Nung time kasi na 'yon, barado 'yung CR namin kaya doon kami sa likod ng bahay umiihi.

Hindi ko napigilan ang tawa ko kaya nakitawa na rin ako.

"Si Kuya! Takot sa multo! Ahooo! Ahooo!" Itinaas ko ang dalawang kamay ko at umarte na parang multo.

Tumatawa kaming tatlo pero si Kuya, nakafacepalm lang. Oh ano ka ngayon ha Kuya!

"Tapos si Ada naman, 7 years old siya noon, nadapa raw siya sa may putikan, umuwi siyang umiiyak sa akin, napuno ng putik ang mukha, niya para siyang taong grasa noon eh" kwento naman ni Mama.

Tinulak kasi ako noon ni Cheska, or baka natulak lang dahil sa pagmamadali, pumunta kami sa bahay ng kalaro namin. Nasa bukid ang bahay nila, malapit na kami sa bahay nila tapos bigla naman kaming hinabol nung aso nila. Kaya ayon, tumakbo kami. Ang ending putikan akong umuwi.

"HAHAHAHA!" tawa nila, si Kuya kanina na nakafacepalm, ngayon ay mamamatay na ata sa katatawa. Umalis pa siya sa upuan niya saka humawak sa tyan niya at tumawa nang malakas. Kahit kailan talaga.

Napangiti na lang ako, ganiyan kasi kami lagi, nag aasaran parang buddies lang. Si Mama naman ay marunong makisabay sa trip namin. Tapos hindi kami nagtatampuhan, siguro minsan lang. Pagi kaming masaya rito sa bahay.

"Eh Ma? How about me wala po ba?"

Natahimik kami sa tanong ni Airo, wala kasi siyang masyadong karanasan. Hindi siya pala-labas ng bahay kasi may hika siya. Hindi namin siya hinahayaang mapagod kasi umaatake 'yung sakit niya. Lagi niya pang kasama si Mama kahit sa palengke. At may pwesto kasi kami roon, bilihan ng gulay at isda.
Kapag wala namang pasok tumutulong kami ni Kuya sa palengke.

Mabili rin ang mga paninda namin kasi may gwapo kaming tindero. Si Kuya! HAHAHAHA! Nagpapa-pogi siya pag may dumadaan, charot hindi. Talagang marami rin ang bumibili sa amin. Minsan may nagrequest sa kaniya na magtopless siya. Pag ginawa niya 'yon bibigyan siya ng 5,000.

Ayaw niya sana kaso kailangan ni Bunso 'yung pera. Dagdag sa gamot niya, sa huli ginawa niya pa rin. Syempre maraming nanguha ng pictures sa kaniya. May abs siya, swerte ni Ate Kaye sa kaniya. Masipag, gwapo, matalino at  mapagmahal.

Pero iniwan siya ni Ate Kaye. She choose her study over my Kuya. Well si Kuya? Ang laki ng ipinagbago niya after that, sobrang tamlay at lungkot niya. Good thing is bumabalik na ulit siya sa dating masayahin.

Ang kailangan niyang gawin ay hintayin si Ate Kaye makatapos and then after that. Liligawan niya ulit. Oh 'di ba! Mas matanda si Ate Kaye sa kaniya ng isang taon. College na si Ate. Malapit na rin siyang makatapos. Masaya ako para kay Kuya if magiging sila ulit.

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now