30

183 16 1
                                    

"Bakit ka ba nakatulala?" Napabalik ulit ako sa wisyo ng mag salita si Kuya.

"Kasi iniisip ko yung nangyari kanina"

Tumawa sya "Kasi nabubog ka dahil sa katangahan mo?" At nilakasan ang kanyang tawa.

Leche.

"Tanga! Hindi! Yung bilis ng tibok ng puso ko kanina" dahil sa sinabi kong yon ay sumersyoso sya "Ang bilis talaga tapos ang lakas eh, pakiramdam ko kasi may mangyayaring masama sa akin?"

"Ano bang sinasabi mo? Mangyayaring masama? Masyado ka lang na adik sa kapapanood mo ng K-drama kaya na prapraning ka" medyo galit ata nyang sabi.

"Oo den kasi yun yung lagi kong nakikita sa panood eh na kapag may nasagi ka ay mang yayaring masama sayo"

"Hmmmpt! ano ba naman yan! Wag ka na ngang mag salita ng ganyan ako yung kinakabahan para sayo eh"

I chuckled "Talaga ba?" Nanunuya kong sabi.

"Oo" at pinandilatan nya ako ng mata, at binelatan ko na lang sya.

"Punta na ako sa kwarto ko mag bihis na ako amoy pawis ako eh" sabi ko at umalis na.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nag bihis agad ako at umupo sa kama.

Tinititigan ko ang aking sugat "Siguro nga naprapraning lang ako" nasabi ko na lang.

Maliit lang naman yung sugat ko pero mahapdi, lalo na kapag nasasagi.

I sighed, it so bored here, papasok tapos uuwi cycle na lang, "Kung sana andito lang din si Vonny" umaasa kong sabi.

Sa totoo lang miss na miss ko na sya, gusto ko syang makita pero hindi pa naman kasi sya handa, ayaw ko naman syang pilitin kasi baka umayaw yon sa akin lalo pa't na inlove na ako sa kanya baka iwanan nya ako, edi ako ngayon yung kawawa.

"O kay sarap
Sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pag mamahalan nating dalawa
Nating dalawa..........."

I sing always if im bored, para na din mas gumaling pa ako sa pag kanta di ba?

"Hmm" saad ko at napasalubong ang kilay "Ano kayang pwedeng gawin?"

Ang bored kasi talaga, gusto ko sanang i chat si Vonny kaso may part sa akin na hayaan ko muna, baka kasi natutulog din ay, hayaan ko munang bumawi sya ng tulog.

Napatingin ako sa may kalendaryo ko. Malapit na ang pasko, isa sa mga paborito kong event sa bawat taon na dumaraan, syempre Birthday ko ang pinaka favorite ko, sino naman kaya ang mabubunot ko at reregaluhan? Hmmm exited na ako.

Lumabas ako ng kwarto at nagdala ng pera, 3 na ng hapon ngayon at gusto kong mag meryenda.

"Pabili nga po!" Sigaw ko ng makarating ako sa tindahan.

"Hoy kumare alam mo ba dito daw mag babakasyon yung pamilyang Hidalgo" rinig kong sabi nung babae na may kaedadan na.

Kahit saan talaga may Chismosa.

"Sinong Hidalgo?" Tanong naman nung isang ale.

Hindi ko maiwasang hindi pakinggan kasi ang lapit lang din nila sa akin.

"Yung malaking bahay don ay? Malapit kila Jera, mansyon na ata yon eh"

Bigla akong naging interesado ng marinig ko ang pangalan ni Mama.

"Oh talaga? Kailan naman daw at makapunta tayo, baka may imported silang i uwi dito"

Ehh.

"Hindi ko din alam pero--"

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now