18

187 20 0
                                    

'Ang presidente'

Oh may pahiwatig ah
Oh well susuportahan ko na lang sya

Madami pang tinawag at tumayo na ako nang mabunot ang aking papel

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa harap nila

Mapaglarong mundo"

"Diyan tayo unang Nagkakilala
Nakaramdam ng totoong Saya
Nang maglaon Ako'y nahulog na
Dahil sa mabulaklak mong Bunganga

" Lagi mo akong Inaalala
Sa bawat araw Kinukumusta
May bati ng Magandang umaga
At tanong na "KUMAIN KA NA BA?"

"Sa bawat araw na Lumilipas
Nararamdama'y di Kumukupas
Salamat sa'yong Pinapakita
Damdami'y umaapaw sa tuwa"

"Ngunit ito'y Mundong Mapaglaro
Ang mga bagay Hindi totoo
Laro, Peke at Kathang isip lang
Damdamin ko'y itatago na lang"

" At hindi na kumalma ang puso
Mas nahulog sa iyo ng todo
At hindi nasuklian ang pagmamahal ko
Sa larong ito ako ang talo

Agad kong pinunasan ang luha na pumatak sa pisngi ko at ngumiti sa kanila

Sana walang nakakita

"Lah si Jena oh napaluha" agad akong tumingin sa direksyon ni Jena na nakatakip ng kanyang muka

"Maam!! Nakakarelate!!" Saad ni Arlene

Nayuko akong naglakad at umupo sa upuan

"Mapaglarong Mundo" nang aasar na tono ni Cheska

"Tsk Aking Cross sana pamagat mo hindi Ang Presidente "  balik ko sa kanya

"Nye nye" nasabi nya na lang

"Ok! Ang ganda nga nung kay Ada pag-ibig ng isang tao na malayo sa kanyang mahal" nakangiting sabi saa akin ni maam at nahihiyang sinuklian ko ang ngiti nya

"Okay next" sabi ni maam at ipinagpatuloy na ang pag bunot

"Ngunit ito'y mapaglarong mundo
Ang mga bagay hindi totoo
Laro, Peke at kathang isip lang
Damdamin ko'y itatago na lang"

Binase ko iyon sa experience ko
Kaya ganon ang kinalabasan

Sa tula ko na lang idinaan ang aking nararamdaman para ilabas ang aking saloobin at nakatulong din naman yon sa akin

Gumaan ang pakiramdam ko

"Mapaglarong mundo" Shella teased me

Oh naglalakad kami papuntang service namin at napag usapan namin na mag sabay sabay na lang kami para laging may bonding

"Ha? Bakit? Anong meron ba diyan sa mapaglarong mundo ha?"
Tanong ni Necole

"Oo nga?" Nakapout naman na sabi din ni Kim

Hindi kasi namin sila kaklase eh
Si Kim sa 9 Oxygen, si Kuya at Clade ay 9 Neon, si Tristan at Necole ay 9 Argon at si Kuya ay 11 G.A.S.

Pinandilatan ko ng mata si Shella at tunawa lang sya

"Kasi gumawa ng tula yan oh" turo sa akin ni Shella " Tapos Ang pamagat ay Mapaglarong mundo eh alam naman natin na nas--" hindi natuloy ni Shella ang kanyang sasabihin ng biglang takpan ni Clade ang bunganga nya at piandilatan sya

 I Love You But It's RPW(Teen Series #1) |Completed|Where stories live. Discover now