Chapter 17

755 34 4
                                    

Gusto ng maduwal ni Maki sa ginagawang paglalambingan sa kanyang likuran ng kanyang karibal at kababatang si Jay habang minamaneho niya ang sasakyan ng huli pabalik sa tutuluyan ng kasama nito; ang  kanilang  bahay-tambayan.

Oo, tanging si Janssen na lamang ang tutuloy doon dahil sa araw na ring iyon babalik ang mga magulang ni Jay na galing sa isang business trip kaya kailangan na nitong umuwi. Subalit batid niyang gagawa ulit ng paraan ang kanyang kababata para makasama ang taong sa ngayon ay siyang nagmamay-ari dito.

“Hindi mo naman siguro nakalimutan na ngayong hapon darating sina Tito at Tita. Ano ang balak mo?” Pagbasag niya sa walang tigil na lambingan ng mga ito na parang bang wala siya doon.

Sinalubong ni Jay ang kanyang tingin sa rear view mirror ng sasakyan.

“Aayusin lang namin ang mga gamit ni Janssen tapos, pupunta na kami sa bahay.”

Wala ng mas lalamig pa sa tonong ginamit nito at alam niya kung ano ang dahilan niyon. Galit ito sa kanya sa ginawa niyang pagdi-deklara ng kumpitasyon laban sa kasintahan nito. Knowing Jay, ito ang klase ng tao na hindi marunong magkubli ng totoo nitong nararamdaman at iyon naman ang kanyang ikinatutuwa dahil madali niya itong nababasa.

“Kung gano’n, ay hihintayin ko na lamang kayo.” Pambabaliwala niya sa pinapakita nitong ugali. “Ngayon na rin kailangan ni Tito ang reports sa ginawang pag-aani sa bukid niyo.

“Kamusta pala ang naging resulta niyon pare?” Pagsali naman ni Janssen sa usapan. “Nang malaman ko mula rito kay Jay na isinama mo raw siya doon para mamahala ay naging duda na ako sa kalalabasan niyon.”

Hindi niya na nagawa pang masagot ito nang muling magharutan ang mga ito sa likuran sa ginawang pagbibiro ni Janssen lalo na nang mahuli niya sa rearview mirror ang mabilis na halik na ibinigay nito sa pisngi ng kanyang kababata. Kung lambingan lang ay makakaya niyang matagalan pero ang makitang may ibang labing dumadampi sa pisngi ng kanyang kababata ay ibayong paninibugho ang kanyang naramdaman.

Napakapit siya ng mahigpit sa manibela.

Pasalamat ka’t nagpapakabait ako ngayon. Pero ito na ang huling beses na hahayaan kitang makadikit sa pag-aari ko.’ Punong-puno ng paninibugho niyang pabulong na naisambit.

Sa bahay-tambayan, ay hindi nahalata ni Janssen na hindi doon tumuloy si Jay sa mga araw na wala ito. Mabilisan rin ang ginawang pag-aayos ng mga ito sa dalawang bagahing dala ng kanyang karibal. Hindi na siya nagtaka pa. Ang kapalit ng pagbabalik nito sa trabaho kahit leave ito ay isang mahaba-habang bakasyon.

Isa rin ngayon sa bumabagabag sa kanya ay kung ano ang magiging desisyon ni Jay patungkol sa pagbabalak nitong iharap sa mga magulang nito ang kanyang karibal bilang kasintahan. Nagulo na niya ang isipan nito at alam niyang may pagdadalawang isip na ito ngayon. Pero kung ang pagbabasehan niya ay ang kanyang nakasanayang ugali ni Jay, nasisiguro niyang ipagpapatuloy nito ang plano nito. Lalo pa’t may gusto itong patunayan hindi lamang sa mga magulang nito kung hindi pati na rin sa kanya.

The Devil Beside MeWhere stories live. Discover now